Stress sa asawa

Nakakapangit ba pag stress ka sa asawa or partner mo? Feel ko kase ang pangit pangit ko na, di sa pag mamayabang per nung wala pa kong anak napakaganda ko talaga. Ngayon napapangitan na ako sa sarili ko, sobra. :((((( #advicepls

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

"LOSYANG vs. FRESH na Misis" Nagtataka ka ba kung bakit losyang na ang Misis mo habang ang asawa naman ng kumpare mo ay kay gaganda at laging nakapustura? Nagtataka ka ba kung bakit yung ibang mga Nanay kahit 40 yrs old na eh mukha pa ding dalaga samantalang yung Misis mo na 25 yrs old ay mukha ng kwarenta? Pwes, hayaan mong sabihin ko sa'yo ang sikreto. Sa likod ng bawat magagandang Misis ay mayroong mapagmahal na Mister. 👨 Hayaan mong isa-isahin ko ang mga bagay na ginagawa ng mga Mister kung bakit magaganda pa din ang kanilang mga Misis: Read 👇 1. Tinutulungan nya si Misis sa mga gawaing bahay. Sa tuwing maglalaba si Misis ay sya ang magsasampay. Sa tuwing magluluto si Misis ay sya naman ang maghuhugas. Hindi nya inaasa ang lahat kay Misis para hindi ito mahaggard. ✔ 2. Inuuna nya ang pamilya at hindi ang barkada. Umiiwas na sya sa mga biglaang inuman para hindi na mastress si Misis. 3. He always finds time para ma-date si Misis kahit simple lang. Tinatrato nya si Misis na parang nasa dating-stage pa lang sila. He always makes way para kiligin si Misis. 🌹 4. Sinusuportahan nya si Misis sa mga pangarap nito sa buhay. Hindi sya possessive at hinahayaan nya si Misis na magprogress sa career nito. 5. Hinahayaan nyang magkaroon ng "me" time si Misis at sya ang nagtetake over sa mga bata. Ito ay para makapagpahinga si Misis mula sa mga gawaing bahay maging sa pagaalaga sa mga bata. 6. Ina-update nya si Misis sa kung nasaan man sya at kung ano ang oras ng uwi nya para maiwasan na mag-alala si Misis at mag-over thinking. 7. Inaassure nya na walang ibang babae sa buhay nya bukod kay Misis. Hindi din sya gumagawa ng kahit na anumang bagay para maghinala si Misis. - Simple lang naman to. Sya ang unang nagha-heart ❤ sa mga selfies ni Misis, umiiwas din sya sa mga babaeng nagbibigay ng motibo sa kanya lalo na kapag pinagselosan na ni Misis, at higit sa lahat hindi malaking issue sa kanya kung hawakan man ni Misis ang cellphone nya. Trust & transparency is the 🔑 8. Hindi na sya kumokontra sa mga desisyon ni Misis para sa pamilya lalo na at kung para sa ikabubuti naman ito ng pamilya. 9. Hinahayaan nyang bumili si Misis ng mga bagay na gusto nito like make-up, dress, shoes, and bags paminsan-minsan. Kung may pera ay sya na mismo ang nagbibigay ng mga ito kay Misis bilang regalo. 🎁 10. He ensures na maramdaman ni Misis na naaappreciate nya ang mga sakripisyo nito para sa kanilang pamilya. 11. Binibigay nya ang sahod nya ng buo o kaya naman ay nagbibigay sya ng pera na sasapat para sa gastusin ng pamilya. 12. Hindi nya nakakalimutang iparamdam kay Misis kung gaano nya ito kamahal ❤ Ngayon, siguro nasagot mo na ang tanong mo kung bakit losyang ang Misis mo. Hindi nya pinabayaan ang sarili nya, sadyang napabayaan mo lang sya. But this does not only apply sa mga Mister but also sa mga Misis din. Dahil sa relasyon dapat bigayan. Dapat team kayo. Kung hindi natin didiligan ang halaman siguradong malalanta yan. Kaya kelangan may sapat na pagaalaga para mapanatili ang pamumukadkad nito. Tandaan na ang isang relasyon ay kinakailangan ng atensyon para mapanatili ang matibay na koneksyon. Kaya para magkaroon ng fresh na Misis siguraduhin mong mapagmahal kang Mister. 😊💏 Ctto #BuhayNgIsangIna #motherhood

Đọc thêm
1y trước

aww nakakaiyak mima🥺 kasi All of the Above ganyan husband ko d ko na isa isahin basta nung nabasa ko yan ganyan lahat si hubby ko... kahit overworked na si hubby ko.. sinisigurado niya na natutulungan niya ko sa gawain bahay at pati pagbantay sa mga kids namin kasi nakakapagod.. buong sahod niya ako may hawak.. kahit bonus binigay niya sa akin buo pang shopee ko daw🥺 tapos di ako makawork ngayon dahil nag aalaga ako ng baby gusto ko mag karon printing business binilhan niya ko lahat ng kelangan ko.. nagdidate din kami monthly.. at ngayon 9years na kami married never nagkaron ng ibang babae si mister ko never ko siya pinag dudahan kasi lahat alam ko sakanya.. inaalagaan ako ng mister ko.. inaalagaan ko din siya... Give and take relationship ..

baka po maliit pa baby mo?? ksi ako aminado din ako na ang panget ko ngayun, kasi busy, ung long hair ko pina short hair ko,(d bagay sakin) ksi naiirita ko pag nayuko humaharang sa muka ko or tumatama kay baby, tas umitim din aq gawa ng pag punta punta ko ng bukid para i check ung pagawain duon. tas pumayat din ako bumalik n dating katawan. gusto ko gumsmit ng mga beauty product para gumsnda makinis kaso iniisip ko nmn si baby ko, saken sya dumedede, kaya hindi ako pwede uminom or gumamit ng kung ano ano. kaya tiis nlng muna saka n mag balik alindog pag nka awat n nang dede si baby. . wala nmn ako prob sa asawa, kahit ang chararat kona, love pa din nya aq, at naiintindihan nya ko ♥️♥️ bumawe k nalang din momi pag wala kanang maliit na inaalagaan. ang hirap mag alaga tas mag isa klng

Đọc thêm
Influencer của TAP

Legit yan Mamsh! Totoo ang kasabihan nasa pag aalaga ng asawa kaya maganda ang ibang Mommies. Happy Wife! Happy Life!

Nakaka sira ng diskarte sa buhay ang mga bwiset na asawa or partner.

1y trước

totoo. kaya napakahalaga na tama ang mapangasawa mo kung hindi hihilahin ka nyan pababa

kung di p kayo kasal hiwalayan mo na mi

gandaaa yarn?? hahahaha

1y trước

OA ka lang talaga.