Block nya ko

Meron po ba dito like me na nagugulat nalang minsan naka block ka na minemention ko pa sya dati kapag may mga update sa province namin kasi ate ate ko na sya kasama sya palagi kapag minemention ko mga kapatid ko tapos biglang naging bc ako syempre dahil may pamilya na ko. Now may hindi daw pagkakaunawaan sa kapatid ko at dun sa cousin ko out of nowhere bigla nalang kami blinock lahat ewan po kasi ang bait naman namin sa kanya kapag may needs sila na wala sila mga pangluto open bahay namin papasok sila kukuha kami nalang ang aadjust kapag wala silang pera sa mama at papa ko sila lalapit kapag need nila work tinutulungan sila ng papa ko kapag naputulan sila kuryente or tubig kahit hindi nila sabihin tutulungan sila ng papa ko pero bakit ganun nung pamilya ko na nangaylangan at sila meron hindi na nila kami kilala. Yung kapatid ko nanghingi ng pera sakin kasi wala ngang work mama at papa ko dahil sa situation walang byahe sa lugar namin walang vendor sa palengke nagtitinda kasi ng miryenda mama ko. Ngayon yung 2 kapatid ko kasama nila sa province kaming 3 dito sa manila kahit papaano may trabaho pa naman mga asawa ng kapatid ko pati si hubby kaya hati hati ganun para may maipadala now ganito po. Tumawag kapatid para humingi ng pera sabi ko hindi pa ko makakalabas dahil lockdown sa lugar namin yung 2 ko kasing kapatid malayo sila sa padalahan eh wala pang masakyan may mga motor nga sila wala naman magdadrive dahil stay in mga asawa nila si hubby that time bc din sa work so sabi ko po manghiram ka muna kila ate ineng(not real name) kahit 2k sabihin mo sa tuesday ko bayaran hindi lang ako makalabas gawa ng sa pamangkin mo walang mag aalaga.tutal linggo po nung nanghingi kapatid ko. Kwento ng kapatid ko. Pumunta daw sya dun sa bahay ng pinsan namin sabi nya daw. Ate ineng pwede daw po ba makahiram muna 2k sa tuesday daw po papadala ni ate anne hindi lang po kasi sila makalabas para magpadala dahil lockdown. Sabi daw sa kanya wala daw silang pera. Alam naman po namin na may pera sila dahil maayos na po work ng asawa nya ng dahil sa papa ko. And nun po kahit ganito hindi nawalan ng trabaho asawa nya. Kaya sabi ko sa kapatid ko. Sige utusan ko nalang si kuya mo bukas idaan nya nalang sabihin ko kay mama kung may mahihiraman sya ngayon manghiram.sya para kapag hindi nakapag padalas bukas sa tuesday ako lalabas. Nung time po nayun na nanghiram kapatid ko dun na daw po hindi na sila pinapansin kapag nagluluto mama ko miryenda hindi na daw nila kinukuha kahit alukin sila palagi daw sarado pinto ng bahay nabastusan lang ako dahil po nung tinawagan sila ng mama ko para kumain dahil bday ng papa ko sasalo lang sila aba hindi pinansin mama ko tapos akala ng mama ko hindi lang sya narinig kaya pinadalhan nya ng pancit ginawa daw sinarado bintana. Kaya sabi ko sa mama ko hayaan mo sila ganyan talaga mga taong hayok sa pera makahawak na maliit na halaga akala mo hindi na mauubusan. Tapos blinock na kaming lahat kaya namin nalaman sinabi samin ng kachikahan ng mama ko dun na may post daw si ineng. Sabi po sa post. May mga tao talagang hindi mo lang napahiram masama kana! Eto pa. Hahaha kapitbahay mong makakapal ang mukha sila na nga manghihiram sila pa may ganang magalit akala naman nila may ipagmamalaki sila hinding hindi kami kakain ng pagkain nyo baka lasunin nyo pa kami. Sinearch ko sya nakablock pala ko pati mga kapatid ko sabi ko sa sarili ko wala naman name tapos mamaya maya tumawag mga kapitbahay namin na tinanong nila kung sino yan sabi daw ni ineng kami daw binaligtad pa kami.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

may mga ganung tao tlaga ignore nyo n lng mahalaga nakatulong kayo sa kapwa nyo.