sss benificiary

Andito po ako sa probinsya kasi may inaasikaso po kami about sa lupa namin dito. Ayaw ko po ibenta lupa namin dito pero iba kong kapatid gusto na. Ayoko kasi san titira nanay ko ayaw nga po lumuwas para samin nalang tumira kaya sabi ko wag na ibenta kasi nakikinabang din naman sila sa bahay kasama ng isa kong kapatid ang nanay ko sa bahay. Now sabi ng mama ko saka nalang ibenta kapag namatay na sya tutal bagsak na katawan nya. Sabi ng isa kong kapatid Si bunso marami makukuha yan sya lahat benificiary ni nanay eh. Sumagot po ako na. Wala na kong makukuha dun kasi kasal na ko may makukuha lang dun anak na walang asawa. Pero sabi ng mama ko may makukuha daw po ako dun kasi 37months sya nakahulog dun 800 a month po hulog nya. Naguguluhan po ako kung may makukuha ako or wala kasi baka isipin ng mga kapatid ko gahaman ako na sinasabi ko lang na wala para hindi sila humingi pero tinanong ko naman po nanay ko kung sakaling meron ano gusto nyang gawin ko sa pera. Sabi nya ako daw bahala basta gusto nya lang daw maayos yung magiging bahay nila ni tatay sa sementeryo

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kung sss pension po yan, dapat po may 150 na monthly contribution ang mother nyo po para may makuha na pension. Kulang po yung 37 months.

5y trước

Hindi daw po sa pension kapag daw po namatay sya yung burial po ata yun ska landsome.