home credit

Mga momsh may problem ako. Dalaga ako nun kumuha ako sa home credit ng tv 9k amount nya. Nakapag hulog naman po ako. Kaso nag stop dahil nagkasakit mama ko tapos natanggal ako sa work kasi hindi ako nakabalik agad ayaw tanggapin ng boss ko yung reason ko na na stroke mama ko. After nun naghahanap na po ako ng work pero bigla akong nagkasakit yung palagi ako naghihina nun pala buntis ako. Kaya kinausap ko po yung sa home credit na ibalik nalang yung tv kasi hindi naman nagamit agad dahil po para sa mama ko yun at dahil narin madalas nawawala ng kuryente dun sa probinsya namin dinala mama ko sa isnag kapatid ko kaya nastock yung tv 1week lang nagamit. Ngayon ibebenta nalang po sana namin nakapag post na ko bigla ko nalaman nabagsak ng kapatid ko nadulas daw sya hawak nya yung tv. Hinahanap ko yung pinirmahan ko sa home credit para makita account # dun kaso wala na naiwan po ata dun sa dati naming inuupahan. Yung # nila hindi matawagan malayo kami dun sa kinuhanan ko tapos may baby din ako ngayon wala ako work. Kahit paunti unti sana mabayaran ko kaso hindi ko alam kung paano hindi ako makapunta dun sa sm na kinuhanan ko kasi walang mag aalaga sa baby ko. Ngayon sabi ng friend ko yung ate daw nya nagkaganun dati hinarass daw ni home credit tapos yung 3k na balance ng ate nya naging 33k daw after 1year. Hindi daw po kasi nila alam may utang ate nya nag abroad daw ate nya. Natatakot ako momsh kasi baka ganun din gawin nila sakin willing naman po ako magbayad kaso hindi ko mahanap yung papel na binigay sakin. May nakukulong po ba sa ganun?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Haharassin ka talaga nila kapag hindi ka nakapagbayad on time, regardless kung may valid kang rason o hindi. Tandaan na kapag umutang sa mga company like home credit, kumukuha sila ng picture mo, signature mo at contact reference kaya anytime na sumablay ka sa pagbabayad, they have all the necessary documents na maipapasa since estafa is a criminal offense. Although bailable, the more na tumatagal ang utang, the more na lumalaki ang interes. Mas maigi na maglaan ka ng time na asikasuhin yan dahil ikaw din ang mamroblema sa future kapag nagstart silang maghabol.

Đọc thêm

Ung mga contacts na binigay mo sa home credit guguluhin nila sis. Saka habang patagal ng patagal lalaki talaga interest nun.

5y trước

Yung mga manager ko pa naman po dati yung nilagay ko dun.😭