co sleeping
Masyado ako paranoid. Okay lang ba sa inyo na hindi katabi newborn sa pagtulog? Naka crib din ba sa inyo? Feeling ko tuloy im not a good mom dahil di ko sya katabi ???
Katabi ko si baby noon, kaya di nasanay sa crib. Sinisilip kami ng mama ko pag natutulog, pero mababaw din kasi ako matulog kaya nararamdaman ko si baby. Ang pag-iingatan mo lang ay yung madaganan mo siya o bumagsak sa kama o kaya matakpan ng unan o kumot. Walang kaso kung sa crib mo siya ilagay, make sure lang na hindi siya matatabunan o matatakpan ng unan o kumot, make sure din makakahinga siya doon ng maayos. Kung ano ang sa tingin mong okay at magwowork para sa inyong mag-ina, go 👍 Wag isipin ang ibang tao o icompare ang sarili sa ibang nanay. Kanya-kanyang diskarte yan.
Đọc thêmCribs are made for safety space/bed for babies. Kaya wala pong masama o Mali Kung plan mo na doon sa crib patulugin ang newborn mo and the fact that you think first the safety of your baby dahil Alam mong pareho kayong malikot matulog ng husband mo thats made you a good Mom. For sure nmn po ang crib ni baby ay malapit din sa bed ninyong mag asawa. Hindi basehan ang pag tabi o hindi pag tabi Kay baby sa pag tulog ng isang pagiging good or bad Mother. Kaya free yourself from any guilt with regards to that plan of yours. 😊
Đọc thêmsakin po 2weeks ko lang po sya pinatulog sa crib tapos po nun katabi na namin sya palagi, lalo sa gabi para mas alam natin kung umiingit na ba sya at kailangan nila tayo andun agad tayo, tapos nun mag 2mos sya sa araw nasa duyan naman sya then sa gabi katabi namin. masasanay din naman kayo nun kahit malikot kayo matulog matutunan ng katawan nyo yun na may katabi kayong baby at hndi nyo sya madadaganan 🙂
Đọc thêmMay nabasa ako mommy na best po if hindi katabi ang baby sa pagtulog pra iwas SID. Pero in my case hindi ako mapakali if hindi ko katabi c baby. Nilalagay ko talaga ang kamay ko sa legs nya to make sure nandyan pa sya. May times nga na pati hininga nya chinicheck ko. Dala cguro ng pagka first time mom ko.
Đọc thêmDi pa ko nanganganak pero plan ko sa crib lang. Kakatakot kasi madaganan si baby o masuffocate sa mga unan o kumot if katabi namin. Safer sa crib tsaka para masanay din siya. May chance naman magbonding pag di tulog si baby.
May crib po na pwedeng i-attach sa bed for co-sleeping. Ganun ginawa ko nung una since takot din ako baka maipit namin si baby kase malikot si hubby. Sa ating Filipinos mas maganda talaga na katabi pag-tulog ang babies.
hindi pa po ako nanganganak sis, pero we are planning pag nanganak ako na sa crib lang si baby patulugin. parang ang hirap kasi ng co sleeping. lalo na if malikot kayo ni partner matulog.
Depends on you. Malikot ba kayong matulog? If not, it's a good experience. Kami before, co-sleep ko si baby, si daddy ay out of the bed. Hehehe. Para lang di madaganan si baby.
If saan safe si baby momshie kasi base on experience din mas safe ilagay si baby sa crib make sure tight yung cover niya para walang mga insects pumunta near kay baby.
Ako mas prefer ko ata na di ko katabi. Sa crib lang siya pero katabi din ng kama. Kasi pag katabi ko mismo baka madaganan namin ni hubby haha pareho kaming malikot.