baby Boy

Mahirap pero kinaya ❤ After 36hrs of labor, 1hr delivery time, meet my baby Draz Michaelis ❤❤❤ Dob: July 19 Edd: July 23 Weight: 7.1 pounds Via NSD. Thank you Lord for the safe delivery kahit na tumataas BP ko 🙏❤🥰 Share ko lang experience ko. July 17 nung nagumpisa sumakit balakang ko. 10 mins interval na. Timext ko ung sa lying in ang sabi false labor daw dapat daw every minute ung sakit. So okay, kinagabihan d nko makatulog umuungol nko sa sakit. Every 10 mins parin so okay tiniis ko. Kinabukasan ganun parin 10mins parin pero pasakit ng pasakit. So mga 4pm ng hapon nagtxt ako ulit sa lying in sabi ko masakit parin pero 7 to 10 mins parin interval. So sabi punta daw ako dun para ie ako, then 4cm nako nun ecoconfine na daw nila ako. Kaso ung bp ko nag 160/110. Mga 8x ako bini.p sa lying in. Nag pine apple juice ako mga 3 can tas tumapat ako electricfan nakipagkuentuhan ako sa assistant puro tawa ganun kaso wala talaga ayaw kasi ni ob na dun ako manganak kng ganyan kataas bp ko. So pinaderetso ako ng OB ko sa ospital kung nasan sya. 10pm nakarating kame Binakayan sa kawit cavite. Then ayun xray, ie @5cm. May mga gamot na tinurok pampababa ng bp. Sabi ni ob madaling araw pwede nako manganak. 1am 6cm palang, 4am 6cm parin, 6am 8cm, pagka 8am dun ako nag 10cm. Mataas si baby d abot ng daliri ni OB kaya nagfundal push sila saken. 5 to 10 mins parin interval ng contraction ko and kada stop ko umire bumabalik si baby sa taas. So sinaksakan nako ng pampahilab ng bongang bonga, every minute na ung sakit at sobrang sakit nya infairness. Triple sa natural contraction 😂 to the point na umiiyak nako tumitili nako and gusto ko na pa cs nun pero pinagalitan ako ni ob, sabi nya dami naten sinaksak para bumaba bp mo at d ma cs tapos gusto mo pa cs ngayon? 😂 then 9:07am lumabas si baby. Nagstay sya sa nicu for 5 days due to naka poop sya sa loob ng konti and need observation and antibiotics dahil na rin may bacteria urine nya. I just cant believe na nakaya ko ung ganyan sa tulad kong sobrang baba ng pain tolerance. Na spinal anesthesia pako sa pagtatahi sakin kasi ramdam na ramdam ko ung sakit ng tahi 4th degree pa man din 😂 To all future moms out there, goodluck! Kaya ko, kaya nila, kaya nyo rin 🥰 My baby is now @3 months :)

baby Boy
73 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Nagkaron din ako infection sa ihi pero nagamot un before ako manganak. Congrats for the safe delivery keep safe for the both of you Godbless

Super Mom

Hello baby! Congrats mommy.. i feel you.. ang tgal ko ring nglabor...induce kasi ako. At least nkaraos kna...Happy breastfeeding🍼🍼🍼

Ask lng po... Gaano po umabot taas ng bp nyo??? Kc po ako 37 weeks ng 140/90... Pero bumababa din nman... Tanong lng po

5y trước

Normal ung bp ko during checkups. D nga ako aware na may highblood pala ako. 😅 normal delivery naman kahit highblood pero mejo malaki bills kasi may mga gamot na tinurok sakin to avoid hypertension. 160/110 10x ako na bp lumabas lang yon during labor ko.

Congrats mamsh!.. prayers for your baby na sana maging okay na agad siya at makalabas narin sa nicu 🙂

5y trước

Thank you 🥰🥰

Congratulations po mommy kinaya nyo po kahit malaki si baby na e Normal nyo po sya

5y trước

Malaki din po. Hehe. Nag gain ako 15kg sa whole pregnancy ko.

Congrats mommy. Worth all the pain naman cute ni baby ❤❤❤

Congratulations po! Cute ni baby and ganda rin ng name.😊

Thành viên VIP

Congratulations po💕 Ang puti puti ni baby😍

congrats mamsh..praying for ur baby❤😍🥰

Ang po ni baby congrats po sa inyo 😊