Share lang po
Magshishare lang po ako, wala kasi akong mapaglabasan ng sama ng loob ? Sobrang sama ng loob ko sa papa ko ngayon. Sabi nga ni mama wag daw ako magtatanim ng sama ng loob kasi tatay ko yun, pero kasi sobra na siya. Palainom siya tas pag nalasing parang sinasapian ng demonyo (sa totoo lang). Buntis po ako and graduate na ako pero parang nadidisappoint siya sakin kasi di ako nakatulong sa bahay. Gets ko naman po yun, pero ako nagpaaral sa sarili ko and may scholarship ako noon. Never ako nanghingi ng pera sa kanya, nagbibigay pa nga ako eh. Bumili rin ako ng gamit sa bahay nung nag-aaral pa ako and siguro nga di pa sapat yun, pero para sigawan nya ako tas paramdam na wala akong kwenta at palamunin lang ako, parang grabe naman ata yun. Lahat ng pangkain sa bahay, bills, sagot ng ate ko kaya di ko gets bakit ganun siya kung makaasta? Di rin naman ako nanghihingi pampacheck up sa kanya, yung pangpaanak ko rin iuutang ko muna kay ate tas babayaran ko rin naman. Oo, nabuntis ako ng 23 pero di naman porke ganun di na ako tutulong sa bahay. Na hanggang dito na lang ako kasi magwowork din naman ako pagka-kaya ko na. Kung di lang maselan pagbubuntis ko at di ko mahal nanay ko, nilayasan ko na bahay namin. Pasensya na po medyo negative. Wala kasi talaga akong malabasan ng inis. Thank you po.