Help po, ano po kayang dahilan kung bakit hindi makatulog ng diretso ang baby sa gabi?
Lageng hinihila ni baby ang tenga nya at kinakamot ang leeg at nagkukuskos ng muka sa gabi...minsan umiiyak na sya, di naman namin malaman ang dahilan..nong 2 months sya nagiinat lang sya ng nagiinat at nagkukuskos ng muka tsaka nagdedede ng kamay..pag binubuhat ko kasi sya nagwawala lang at umiiyak kaya hinahayaan ko lang sya hanggang makatulog ulet sya..naaawa kasi ko pag nakikita syang ganon..gabi gabi na lang..minsan tumatagal ng tatlong oras na pagulong gulong sa higaan..yung antok na antok na sya pero pag napipikit na sya biglang parang magugulat sya tapos dededehin na naman nya kamay nya, oh kaya gugulong, hihilangin yung tenga, kakamutin yung leeg 😔 kinuhanan ko sya ng video at pinakita namin sa pedia nya, ang sabi lang baka naiinitan oh kya kinakabag..lahat ginawa na namin, hinihilot ko yung tyan at likod nya pero wala nmn syang kabag..nagtry na kmi mag aircon, sinuutan ko na din sya ng komportableng damit kasi baka nga naiinitan kasi pawisin sya..pero ganon pa rin 😔Sa araw nangangamot pa rin sya ng leeg at tenga pero wala naman syang rashes..turning 5 months na po sya, hindi pa rin nawawala yung ganon nyang ginagawa..sana may makasagot 😔 naaawa na ko sa baby ko 😢masigla at masayahin sya sa araw..hindi pa rin sya dumadapa kasi madalas syang tulog sa araw..pero ang tulog nya paisa isang oras or kalahati kada idlip nya...sana matulungan nyo ko, di ko na kasi alam ang gagawin ko 😢
FTM