Hirap matulog si baby sa gabi

Hindi makatulog ng maayos si baby sa gabi.. Pagdating ng 10pm onwards, pagulong gulong na sya sa higaan at hinihila ang tenga at nagkakamot ng leeg e wala namang rashes.. Every night ganon sya..tapos dededehin nya yung kamay nya para makatulog ulet, pero pag napapaidlip na sya, para syang magugulat at maghihila na naman ng tenga at magpapagulong gulong ulet sya.. Paulit ulit lang ginagawa nya hanggang sa abutin na sya ng umaga...kinuhanan namin sya ng video at pinakita sa pedia, sabi lang wag patulugin ng hapon, baka daw naiinitan at naiinis sa suot, oh kaya baka kinakabag.. Ginawa namin, hindi sya pinatulog sa hapon, sinuutan ko ng komportableng damit at baka nga naiinitan, nagtry dn kami mag aircon, bago matulog hinihilot ko ang binti nya at binabicycle kasi baka nga kabag..tapos pag naggugulong gulong sya sa gabi, hinihilot ko ang tyan at likod nya..pero hindi naman sya tumitigil..pag kinakarga ko naman sya para makatulog, nagwawala sya at nagiiyak..hindi ko na alam ang gagawin ko..baka kasi may dinaramdam sya pero di ko naman malaman kung ano..mag dadalawang buwan na syang ganito..pero may gabi naman na maayos ang tulog nya..pero nitong huli kasi parang mas palala..kasi nagiiyak na sya..dati naman hindi masyado..naaawa na kasi ko sa baby ko. Lageng puyat 😥..sana may makasagot 😔😞#pleasehelp #1stimemom #firstbaby #advicepls

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ilang months na po si baby? Check mo din mommy yung tenga ni baby. Baka may sugat or may kung ano nakapasok sa loob. Anong oras po ba sya nagigising sa hapon? What time sya usually natutulog sa hapon?

4y trước

nagtry ako kagabi na ihele sya mula 11pm-3:30am ok naman sya, maayos naging tulog nya..nong binaba ko na sya naggulong gulong na naman sya..d ko talaga malaman bakit ganon sya..na stress na ko 😢