Hindi makatulog si baby at iritable sa gabi

Mga momshie, pahelp naman po 😔 8 months na po baby ko pero Hindi sya nakakatulog sa gabi at pagulong gulong sya..antok na antok Na sya pero pag nakakatulog na sya, bigla syang parang magugulat at gugulong na na man, tutuwad, uupo, dadapa.. 3 months pa Lang po sya ganon na sya.. Hindi na po nawala yung ganon na ginagawa nya.. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakabawi ng tulog.. Sana po may makapansin.. Ang hirap po kasi lalo sa puyat.. Yung ibang baby kasi diretso na tulog, pero sya kelangan padedehin para makatulog ulet.. Pero ilang minuto lang iiyak na na man sya at gugulong.. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.. Hindi rin ako masagot ng pedia.. Tulungan nyo naman ako para naman makampante ako.. Salamat po sa makakapansin. #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Try to swadle mommy. Then pag nakatulog sya na karga mo, wag mo muna ibaba sa higaan nya. Pahimbingin mo muna tulog nya bago mo ihiga.

Baka di komportable tiyan niya, hindi talaga makatulog yan.. Ipa burp mo, pagkatapos dede burp mo agad..