How to deal with this pain
Kapapanganak ko lang, like 4 days PP, but unfortunately after kong manganak nakita kong nagchicheat partner ko. Worst case pa nasa NICU baby namin. IDK what to feel. Pero nung nakita ko yun, di ako nagalit and all kase mas pinili ko yung baby ko kesa gunawa ng eskandalo sa loob ng hospital with my mom and other patients. Habang dumadagdag ang araw, nadadagdagan din yung nalalaman ko about sa pagchicheat niya. And hindi mabura sa isip ko lahat ng nabasa ko. Ang sakit sobra. Wala akong mapagsabihan kase ayaw kong maapektuhan yung situation ng baby ko ngayon. Gusto ko munang mag focus sa baby ko, kaya pinakiusapan ko yung partner ko na makisama muna siya at wag mag eskandalo (kapal ng mukha diba). Kaya nagpepretend lang kami sa harap ng mother ko na okay kami, pero lage akong umiiyak pag nakikita ko mukha ng partner ko. Hindi ko mapigilan yung sakit na parang sasabog na ako. Dami niyang eme na explanation pero di na ako naniniwala. Kaso di ko din alam gagawin ko for now and after. Gusto ko lang siguro ng advice from strangers kase di ko na po kaya yung dinadala ko. Ang hirap mag pretend na okay ka. Tapos tinaon niya pang nasa nicu anak namin. #adviceappreciated #brokenfamily #single_mom

