In-Laws

Share ko lang mga mamsh kase sobrang di ko na kaya sarilinin eh? Ang bigat sa dibdib,sobrang sakit? I am current 34 weeks and 5 days pregnant,nakatira kame ng partner ko sa side nya. Suddenly,yung ate nya (panganay) na may-ari ng bahay ay pinapaalis na kame sa bahay? I feel attack? Kung kelan malapit na ko manganak? Bakit?? Bakit ginaganito nila kame ngayon ng partner ko? Sobrang bigat mga sis sa dibdib ko?? Alam nilang sapat lang yung kinikita ng partner ko para pang-kain namin araw-araw eh,I even sacrificed my check ups wag lang kame mag-sort sa budget for the whole week kase mahirap magutuman ang buntis pero sila di man lang nila naisip yung kalagayan ko?? Ganito pala yun,pag di kayo tanggap ng pamilya nya?? Yung papa ng partner ko ayaw kame paalisin,pero ako gusto ko na umalis kase ayoko ng may marinig pa galing sa kanila?? Sobrang durog ako para samen ng anak ko?? Alam nilang bawal ma-stress yung buntis pero ginanito nila ko? Sobrang nakakasama ng loob? May nahanap na kame ng mauupahan pero wala kameng pera pang-down? Kung kani-kanino na kame lumapit para mangutang at makabuo ng pera pang-upa pero wala pa din?? We only have 3 days to move out? Di ko na alam iisipin ko?? Sobrang sama ng loob ko?? Mula pa nung lunes iyak ako ng iyak hanggang ngayon??? Nakakaramdam ako ng sakit ng tyan hanggang pempem pero kinakausap ko si baby na wag muna,na kaya namin to?Pero mamsh kahit anong motivation gawin ko sa sarili ko sobrang down pa rin ako kung saan kame makakakuha ng pera? Di ako lumalapit sa magulang ko kase wala din sila?? Naaawa ako sa amin ng partner ko at ng anak ko?? Grabe tong ginawa nila sa amin???

21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

First of all, Wag ka mag pakastress isipin mo yung anak mo. Lahat ng circumstances na binibigay ninlordbay may rason kung bakit ganyan ang ate ng partner mo. Same case tayo sa part ng ayaw ng family sa partner. Ako, Nabuntis ako 21 years old and my partner is 20. may parents doesnt like my partner pero gusto ako ng family ng partner ko. Nafeel ko rin kung anong feeling palayasin ka ng family ng partner mo but in my case verbally ang pag papalayas sakin. I mean, Masasakit na salita ang mga sinasabi sakin. Lahat ng painful words na sinabi sa amin at mistakes namin sa buhay habang preggy ako talagang nakakastress pero hindi ako nag paka stress dahil alam kong kawawa si.baby. But at the end of the day, Natututo kami to be responsible, kung pano humawak ng pera at the age of 21 ni hubby kung ano anong work ang pinapasok niya. 2 work sya before nung buntis ako. Talagang marami akong natutunan sa ganyan. Dapat talaga lagi kayong may backup plan ni hubby mo madali pa nga yan e kasi preggy ka palang mas mahirap kung nanjan na si baby.

Đọc thêm

Bakit momsh dika umuwi muna sainyo pansamantala habang wlaa pa kayo malipatan .. then si hubby mo don muna sa ate nya .. maghiwalay muna kayo saglit .. kita nlang kayo ulit pag manganganak kna , kasi mahirap yang ganyan di makakagalaw at makakpag isip ng maayos hubby mo habang anjan kayo pareho kasi for sure ikaw at ang kalagayan mo ang iniisip nyan ..sabihin mo sa family mo yung totoo kasi more than anyone else momsh family mulang talaga matatakbuhan mo pag may problema ..ipaintindi mo na jan kalang mastay pero di namn ibig sabihin na sila ang gagastos para sa mangangak mo ganun po . Sabihin mo naghahanap pa kayo mauupahan kamo .. maiintindhan din yan ng pamilya mo momsh .. at tsaka pray ikaw palagi .. pag gulong gulo kna magdasal ka kausapin mo si papa god na tulungan ka po .. you'll get through this momsh tiwlaa lang

Đọc thêm

that's the reality of having your own family, hindi nmn po kc pwde basta bumuo lang tpos financially di pla kaya? there's always two sides of the story, hindi nmin alam reason bkit ngdecide fam ng partner mo ng gnun pro for sure may rason..when u said sakto lng sahod ng partner mo pra sa food, pno yung utilities at iba p consumption sa house, di kyo nkkpagbigay? wala n po kc free accomodation ngyon, isipin nyo din ung mga ginagastos ng ate ng partner mo..i'm not blaming you pro sana bago ngAnak pinagplanuhan muna or kung biglaan, my nakalatag kyo back up plans pano sustain un daily needs nyo lalo pg nanganak kna..nabuntis ako 20yo and ryt after pinabukod kmi ng bahay ng parents ko mismo para matuto kmi tumayo sa sarili naming paa ng di nakaasa khit kanino, dun kmi natuto maging mas responsable parents khit bata pa kmi.

Đọc thêm

Hinga ka munang malalim sis. Kalma ka muna at wag kang pastress, lalo kang di makakapagisip ng maayos po. At isipin mo si baby mo kung magiging mahina ka. Tatagan mo ang loob mo, di yan ibibigay sayo ni Lord kung di mo kaya. Kung pinapaalis kayo, try niyo po muna sa family mo. Or magusap kayo ni Mister kung ano yung pwede niyong gawin. Dapat magkaroon kayo ng plan, kung ganyan ang sitwasyon ngayon. Part yan talaga ng pagbuo ng family, talagang minsan sinusubok kayo. Jan kayo masusukat kung pano niyo hahandle yan at kung pano niyo magagawan ng solusyon. Sooner or later din naman talaga kailangan niyong bumukod. Wala naman po kayong magagawa kung mismong may-ari na ng bahay yung magpapaalis sainyo, mahirap din naman isiksik niyo sarili niyo jan.

Đọc thêm
6y trước

Pagpray mo na din po yung sitwasyon niyo. Malalagpasan niyo din yan. Pakatatag at lakasan mo loob mo.

Thành viên VIP

Napahirap nga ng situation mu momsh, lalo na manganganak ka na... For now siguro ang best na magagawa nyong mag asawa is to stay muna dyan, since sabi mu nga wala naman kayong mahiraman ng pangbayad sa bahay. Kausapin nyo na lang muna yung sister nya... Siguro kapag nakapanganak ka na at nakaluwag luwag saka kayo lumipat. Puede din na haba kayong nandyan, kung may konting maiaabot sa kanila gawin nyo din para medyo gumaan. Wag ka masyadong mag iiyak kasi affected na din ang baby mu 😕 sabayan mu ng dasal sis na maging maayos ang lahat

Đọc thêm
6y trước

Naghahanap pa din kame,pero sobrang nape-pressure ako😭 Ang hirap mag-isip lalo na sa kalagayan ko😭 Masakit,mabigat,nakakabaliw😭 Di man lang nila inisip sitwasyon ko😭 Binigla nila kame😭

Hi sis, alm mo naiintindihan kita. Yung LIP ko naman halos buong sahod nya kunin na ng magulang nya. Alam nmn nila preggy nko pero grBe kung kuhaan sya ng pera. Inuubliga, sya mag bigay ng allowance sa kapatid nya. Tpos pati sa gasul nla. My utang pa kami non ahhh. Pag naririnig ko na kinekwenta na nla sahod ni LIP na dedepressed ako. Ang hrap, lang dn.

Đọc thêm

Sa family mo kayo lumipat sis. Wala ka ng choice. Baka naman may kasalanan ang asawa mo na di mo nalalaman. Wag po tayong judgmental kay ate girl owner ng house. Sana nakapaghanda na kayo before pa umabot ng kabuwanan mo. Ramdam mo na palang ayaw sayo. Tama ng drama. Lipat na ng bahay. Mas maluwag sa feelings.

Đọc thêm
Thành viên VIP

the best thing to do is dun ka sa family ka muna tumira at ang asawa mo ang maghahanapbuhay pra sa inyo kc maisstress k lng lalo pa at buntis k , masama yan sis . atleast pag dun ka sa own family mo, wla kang maririnig na masama sknila. kesa dun k sa side ng asawa mo

sis. ganyan talaga. pag buntis sobrang ma emotional😔 at wag ka paka stress ng todo sis makakasama kay baby moyan😔. may karma din yang babae nayan🤬. tiia kalang para kay baby mo ok. aist. bat may mga ganyang tao. keep-safe and godbless sis. kaya moyan.

Thành viên VIP

wag ka mgpaka stress momshie,mas malaki ang mgging prob pag naapektugan c baby. i suggest na dun ka nlang muna sa family mo. mas maiintindihan ka nila kesa sa ibang tao.. mag pray ka plagi malalampasan mo lhat yan