I need an adviceee
Hi mga momshies! Can i ask po for your opinion about sa situation ko na about sa sustento. Ang situation ko po kasi hiwalay na po kami nung ama nung anak ko. And that time nag aaral pa po siya and ako po fresh grad and magttake sana ng board exam at naging dahilan na sinapo ng parents ko yung responsibility ko financially sa bata. Since nagbuntis po ako hanggang sa manganak wala pong naitulong yung side ng partner ko kahit pag uusap manlang sa maga magulang ko pero tanggap naman na nila yung bata. Yung ex partner ko nagwork sya after ko manganak and 4mos lang tinagal niya. Hindi maliit hindi malaki yung sinasahod niya pero di sapat yung pinapadala niya sa anak niya sakto lang talaga for milk and diaper which is okay na din kesa wala. And about sa side niya nagkaroon ako ng sama ng loob sa kanila pero hindi ko pinapakita sa side ng fam niya. And one time nangamusta yung mother niya yun pala hihiramin kami nung anak ko dun lang siya nangamusta talaga. Kahit ayaw ng nanay ko kase may galit nga siya dahil hindi sila tumutulong o nangangamusta manlang pumayag ako kase umiiwas ako sa gulo. Sobrang sakit din para sakin kase naghirap nanay ko tapos sila na hindi naghirap mahihiram kami kung kelan lang nila gusto. So after namin makabonding yung side ng partner ko for almost 2mos din tinagal. Pagkauwi namin hindi na uli sila nagparamdam. And ngayon nagchat fam niya ng dahil hihiramin nanaman kami. Ngayon po naguguluhan ako kung tama ba yung ginagawa ko na hinahayaan ko nalang para wala ng issue o mas better bang putulin ko na ugnayan ko sa side ng ex partner ko which is naaalala lang kami kapag hihiramin kami 😔 Kasi yung family ko po pinapalayo na ako sa kanila and ako naman po umiiwas lang ako sa issue sa gulo kaya nakikisama ako pero ang unfair kasi sa magulang ko nasasaktan din naman ako para sa kanila kase sila yung nahihirapan kaya di ako makapag decide kung anong gagawin ko. Salamat po sa magbibigay ng opinion mga momsh. P.S di po ako makapag work kasi ako lang din po magisa nagaalaga sa anak ko. And nagbigay yung mother nung ex partner ko 1 time and nung bday nung anak ko nalimutan ko ikwento hehe. And yung partner ko naman for 4mos lang siya nagsustento and nagresign na siya and di na nagwork nag asawa na ata haha

