106 Các câu trả lời
Hi 34 weeks preggy here, ako sa totoo lang halos ng gamit ng baby ko hindi kamahalan. Yung pampers na nabili ko sa baby ko na 120pcs 600 ko nalang nabili sa online sa mga momshies na sobra yung bili na diaper sa babies nila then bonggaako tumawad 😅 sa mga damit naman, walang brandnew lahat napaggamitan na at galing sa ukay 😊 diko naman need mamili ng mga gamit ng brandnew at branded lalo na mabilis lang lumaki mga babies, sa mga babywipes naman sa lazada mall ko nabili nung nagsale sila ng 50% off pero sa mga care essentials sa supermarket ko binili para sure na 101% authentic ang product 😊me and mt husband are both underage, yes 16yrs old lang kami perehas pero proud ako sa husband ko na kahit 2k a week nalang nabibigay nya saken pinagpapaguran nya yun and before ako mabuntis siya yung tipo ng kabataan na puro alak and barkada pero nung nalaman nya na preggy ako lahat ng barkada nya iniwasan nya at nag focus samin ng magiging baby namin 😊 I'm so blessed to have him as my future husband and i know naman God will provide someday magiging successful din kami and makakabili ng mga branded at mamahalin na gamit para sa baby namin
Mukang kulang pa nga po ang 10K eh 😂 ako din po inunti unti ko na 5months pa lang ako inuna ko mga Clothes sa SM Dept store ko pa binili (Pinilit ng MIL ko dun bumili tutal pay later naman sa credit card nya 😂) mga 260php(to 300php) 3pcs each ng mga damit like longsleeves, sleeves and sando 3pcs each lang yon ah tapos pajama pa at shorts then yung mittens, booties and bonnet parang nasa 177plus pesos yon 3pcs din each. Then bibili sana kami crib sa SM din pero mas nakakita ko ng mura sa Lazada nasaktuhan kong sale nung Sept. Bumili pa ko nyan ng diaper bag at extra clothing sa shopee. Baby carrier, breast pump, Nagpunta din ako Divisoria para bumili ng pillow and comforter set at mga pranela. May bote naman na and all kulang na lang necessities like shampoo diaper powdered milk in case at yung bath tub 😊 kaya natin to Sis. Team December here 😂
I suggest mag breastfeed ka, number 1 super healthy ni baby, number 2 makakatipid ka. If working ka mag hand express ka walang kagastos gastos sa pump. Pwede tayo makatipid ng hndi nasasacrifice ang quality. Sa crib hndi naman nagamit ng anak ko although bigay lang din...kase co sleeping kame and maliit ang bahay. Sa stroller minsan lang din dahil super clingy ng anak ko ayaw mga palapag...i suggest na wag muna bumili pag hndi pa kailangan. Yung sa panganganak muna ang ifocus mo kase youll never know ano mangyayare sa journey nyo ng anak mo like kung talga ba kaialngan ng stroller eh yun yung pala labas kayo if hndi naman baka hndi naman kailangan...or invest ka nlng sa mga carrier na ergonomic or mga carrier wrap or slings mas mura pa mas madali ka pa makakilos diba..kase ako non hndi ko binili lahat baka masayang lang eh
Kami nga nung nagbuntis si misis mahilig kami mag join s baby fair. Pra makahanap ng magandang deal tlaga. Tpos s mga pregnancy ang beyond ni makati med na perfect attendance namin un. Tpos sa mommy mundo gora kami ni kumander. Nakaipon kami ng diapers NB, bath and shampoo, diaper cream, detergent. S totoo lng til now 1y/o n si baby ndi p nmin nauubos ung ibang stock lalo ung bath and shampoo binibigay dn namin s ibang nangangailan. Sharing is caring ika nga. Tpos ung pambili sana namin dun inilaan namin s ibang nid ni baby like stroller apruva brand lng pra medyo mura pero branded p dn. Carrier apruva dn lng tpos booster chair mamas and papas brand lng. Branded dn mga yan pero mga mura lng namin nabili
ako po mas pinaghahanadaan ko ung money na magagastos sa panganganak kase for CS ako kaya malaki laking money need ko ung damit ng baby ko hiniram ko lang sa frend ko saka kona lang bilhan baby ko pag nakalabas na at mejo malaki na pag dna kasya ung baru baruan tas mga needa lang na hinanda ko Diapers namen mag ina wipes alcohol, bulak, betadine, band aid para sa opera ko saka binder saka soap para sa unang ligo ni baby yung ibang kailanganin saka kona bilhin pag nakauwi na sa bahay yun lang naman i think wala pang 2k yang gastos ko jan 😊😊
Ako nunh buntis at bago manganak dami ko napamili kasi ang way ko b4 is may work aq nun..nung nag 3 mons tummy ko nag start aq magbili ng mga gamit kada sahod ko nun 15th and 30 of the month nabili aq pa isa isa like 500.00 worth na gamit para hindi mabigat sa bulsa kaya nung nag 9 mons aq complete na..nagtaka nga asawa ko akala nya marami pang kulang at wala kaming pera hndi nya alam nakupit na ko paunti unti sa budget nmin..then yung nkalaan nyang pera for my giving birth na save din kasi 1500 lang binayad namin ..hehe share lang
Correct momy sa binyag ganun din gawin pa unti unti bili ka ng gamit mahal magpa cater o mag rent kokonti pagkain unlike na kpag kayo ang magluluto maraming way para makatipid as a momy kylangan maging masinop kasi kpag may anak hndi ka pwedeng mawalan ng pera sa bulso nanjan kasi yung mga emergency cases yun ang dapat pinaghahandaan natin mga momy..
Ndi naman ntn nid tlaga ng ganung kamamahal na gamit ni baby. Ndi din totoo n pg branded matagal masira. Ang buhay ng mga gamit ngayon ay nasa gumagamit lng dn. Khit branded pa yan if ndi maayos at maingat s pag gamit tiyak ndi magtatagal mga gamit ni baby. Ung mga feeding bottles nga dn ng baby namin is precious moments lng ang tatak nsa 80pesos lng isa halos 10mos.n gamit ni baby bagong bago p dn tingnan. Araw araw pa un nagagamit,hinuhugasan at na sterile.
Di naman po talaga mahal actually. Medyo pricy lang po talaga yung mga binili nyo since branded. Sa mga crib, strollers, etc. Pwede na po ang pre-loved. Diapers you can use huggies or pampers or eq. Sa lampin pwede po ang lucky cj na brand. Yun po ay kung gusti nyo lang makatipid. Ako kasi halos lahat ng gamit ng baby ko bigay lang kaya konti lang ginastos namin 😊 but kung gusto nyo talaga ng quality para kay baby at afford nyo naman. Why not diba? 😊
I agreee. That's why binawi ko na lang sis since sponsored naman ang lahat ng damit ni baby from head to toe, pati crib, stroller, electric breastpump, sterilizer at feeding bottles. Laking tipid pa rin. Buti na lang may nagbibigay.
Hindi nila mapapansin ang mali nila sa convo nilang yan. Pwedeng ganun na talaga ang behavior nila. Hindi marunong maghinayhinay sa mga sinasabi. May mga mommies dito na minimum wage earners talaga. Kasi dito naghahanap ng tips para makatipid. Next time, kung magpopost ka na parang naloloka ka sa gastos ng pinamili mo, maging open ka sa advises and opinions ng mga ibang ibang klase ng mommies dito. Hindi ung bigla mo ieedit ung post mo.
ay Oo momsh lalu na sa panahon ngyon wla na mura... mpaamura ka nlng sa mahal na gamit.. pro sa shopee recommend ko lng my mga affordable pa nmn... ako nga once nlaman ko plng ang gender this month bka dun plng ako magstart magprepare for my baby's need.. sa 1st baby ko d ako bumili ng stroller at walker hiram lng kc sndali lng nya mgagamit...cgro mga 2mos. ko lng pinagamit.. mas gusto ko prn kc karga baby ko khit mbgat haha..
Ellehcar Contreras Perico