Pregnancy Glow

Kailan nyo na feel ang pregnancy glow at anong glow sainyo?

139 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yung sakin, pinagdudahan lng agad ako ng asawa ko na baka buntis daw ko, kasi hindi ko naman ugali mag-ayos at mag-makeup, lalo na kapag bagong gising, para nga kong maraming anak tingnan dati kahit dalaga pa kasi hindi ko talaga hilig mag-ayos, kapag may lakad lang kami nag-aayos ako. At first, akala ko darating na yung monthly period ko kasi ang daming pimples na naglalabasan sa face ko, yun kasi sign ko na malapit na ang dalaw ko, at first time ko rin magkaroon ng 3 pimples na naka-fall in line, from small to big.. heheh.. pero nagtaka ko, nawala na lang yung pimples ko pero hindi parin ako nagkaka-menstruation, mas lumakas lang yung pagdududa ko na baka buntis ako yung panay duwal na ko at panay hikab. Kaya yun nung na-confirm na namin na positive, duda ng asawa ko baka girl yung magiging first baby namin kasi panay daw ako make-up, kahit asawa ko gusto kong make-upan, pero ayaw nya kaya minsan naiinis nalang ako bigla. Tapos iba yung pagka-chubby ko sa dalaga pa ko parang old lady tingnan, kaysa sa preggy na ko, mas blooming daw ako tingnan. Mas gusto ko yung look ko ngayon na preggy na chubby, pero parang dalaga na blooming lang ang look.

Đọc thêm

etong last na pregnancy ko naexperience ko yan buong 9 mos. lagi nila sinasabi na ang ganda kong buntis, puro girl nga hula nila pero baby boy si LO heeheh. pero nung nanganak ako ay day humulas ang ganda😂😂😂. tapos lagi pa puyat, susme zombie mode. pero ok lang worth it naman. anytime soon malaki na si baby kaya enjoyin hanggat baby pa. makakarecover din ako sa ganitong stage hahahah.

Đọc thêm

First tri ko sobrang haggard as in kahit pagsuklay di magawa, 2nd tri ko gandang ganda ako sa sarili ko, kahit byenan ko inggit sa skin at hair ko. Ngayun 3rd and last tri haggard na ulit. Buhaghag na hair, gaspang na ng balat. Bakit? Hirap na mag lotion sa legs at mag hilod. Kahit pag nail cutter di magawa. 😂.

Đọc thêm
Super Mom

na feel ko po yan mommy around 4-7 months.. daming nagttanong if baby girl ba daw anak ko ksi ang blooming ko daw.. wala naman po akong gnagamit peri parang ang kinis ng balat ko sa mukha at mukhang may blush on kahit hndi po ako naglagay hehe pero ngayong nanganak nako mukha na po akong zombie sa puyat

Đọc thêm

Ngayon po second trimester ko, ewan ko pero feeling ko sobrang blooming ko sobrang ganda at sobrang sexy like you know nagkakaroon ng laman kasi payat po talaga akong babae e ngayon medyo nagkakalaman na ewan ko kung totoong nangyayare or ako lang talaga nafi-feel ko lang ganon 🤔😆

sa simula palang ng pregnancy ko. di ako nakakapansin pero yung mga tao po sa paligid ko. na enjoy ko talaga itong pregnancy glow ko di ko na kailangan mag make up. parang natural korean look na dewy yung skin ko sa face. (pwera usog) sana hanggang makapanganak na 😂😁

ako sis recently lang. mapimples tlga ko bago mabuntis then now nawala mga pimples ko. at napapansin ng mga tao na blooming ako kaya mostly ang sinasabi girl daw baby ko. pero boy tlga sya based sa ultrasound. hehe wala ring nangi2tim na part ng body ko. 28weeks preggy here.

Ako po 2nd trimester ko napansin pregnancy glow until now 6mos preggy na. Pati hair ko shiny. Kahit na nagppuyat ako di po ako nagkakapimples. Pero nun 1st trimester ko grabe haggard ng muka kahit wala pa masyado ginagawa saka panay suka din kasi nun at ngayayat talaga.

Thành viên VIP

Hindi ko na napansin kung kelan lumabas kasi sinasabi ng husband ko gumaganda daw ako, mama ko naman sabi pumapangit ako 😂 pero pansin ko di ako nagkapimple ngayung pregnancy or kung magkaroon man paisa isa lang at di tumutuloy tsaka naging less oily ang face ko.

6y trước

Same same. 😂🤣

Ngayon lang na going to 3rd trim na 😂😂😂🤣 pag nagpapacheck up ako sa ob . Sinasabi ng partner ko ang ganda ko daw hahah Pano wlaa na kasi mga pimple ko na naghihimutok dati nung 1st trim 😂😂😂😂🤣 kuminis na ulit feslak ng lola nyo haha