Spotting due to UTI

Kahapon po nag spotting ako as in spotting lang di naman bleeding. Wala ko idea bakit dahil first pregnancy ko po sa sobrang pag ooverthink iniisip ko baka masama na nangyayare sa loob. so kung san san kami pumunta ni hubby. napapdpad kami sa isang mini hospital kaso wala pa ding ob nung time na yun. magaling yung nasa pharma sabi nya may uti ako. na shock ako kasi alam ko po pag may uti sasakit pag ihi pero wala po ako ganun na nafeel. so nagpa urinalysis ako. result showed 15-20 and pus cells ko. wala pa ob so google na po muna ako. naghintay ako 3pm nakasched na ako trans v para makita kung okay lang ba ang lahat dito sa lying inn malapit sa amin. may heartbeat na si baby at okay lang sya at may uti nga daw po ako base sa results. so nagcacause din pala ng spotting ang uti. di naman ako niresetahan pampakapit kasi okay naman. yung antibiotics nga lang. share ko lang po ito sa inyong naging experience ko pero kahit anong spotting pa yan kelangan punta na po agad agad sa hospital or clinic at wag po masyado kumilos.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

good