Me! Haays.. Wala din akong masyadong friends. Although marami akong kakilala, pero hindi talaga ako close sa kanila. Introvert ako, pero minsan kung pinupush ko talaga sarili ko, nagiging madaldal naman ako, pero not with people na di ko ka-close. Sarap kasi sa feeling pag mag-isa lang. Haha. Same kami ng hubby ko. Marami siyang kakilala pero kunti lang ang friends niya talaga. Hindi din kami mahilig sa party pareho kaya for me, kahit 1 month palang si baby ko, I'm already thinking na simple at family lang pag nag one year na si baby. For me lang, mas importante kasi memories na pwede kong i-share sa paglaki eh yung kasama at ka-bonding niya family niya. Kaya mas gusto ko more on family bonding kami, kahit walang handaan o party, basta kompleto.
Hi mommy, since wala k masydo ma invite, un lang ang prob mo. Why not try invite mo mga less fortunate people- yung mga homeless, mga bata pakalat kalat s kalsada, yung hirap sa buhay n malapit lng sa inyo. Invite mo sila advance, tell mo sa gantong araw maligo taz punta s lugar nyo. Taz imbes n sila mgregalo, ikaw pa magbibigay s knila ng give aways. May budget ka nmn sbi mo. Ako kc dream ko balang araw, iba nmn pakainin ko s bday ko or Pasko. S lugar namin marami bata, mga medyo hirap s buhay. Di ko nmn kilala. Un naisip ko suggest sau, tutal sbi mo gusto mo ikwento s anak mo balang araw....
Hi momsh! Introvert din po ako! Kami po, we decided na magpaparty, maicelebrate lang ang maayos na buong isang taon ng anak namin at ang nairaos namin ang unang taon ng anak namin ng magkakasama kami(dahil isa saminni mister ang mag-ofw). Simpleng party lang po, invited ang family both sides, friends ng asawa ko, ninong, ninang, at bilang na mga kaibigan ko , kasi mga college friends ko ang lalayo naman, kaya highschool friends lang ang meron ako, at baka hindi pa dadalo. Ang mahalaga samin, my babalikan kaming mga memories, lalo na ang anak namin, sa pag laki nya.
Introvert here. 😅 Preggy palang po ako pero yun narin iniisip ko hahahahaha! Di ko po alam san kukuha ng mga kids para maging happy yung party 😂 Kasi kung ako lang ayoko po ng maraming tao family and friends lang pero pano maitatawid yung "kiddie party" kung walang kids puro adults? Hahaha Ayoko naman din pong maging inuman session lang kalalabasan ng party ng baby ko. Introvert din si hubby, ayaw rin ng maraming tao gusto family lang. Makikibasa din po ako dito sa comment section nyo para may idea rin po ako pano ba maitatawid yung 1st bday ni baby.
I feel you mommy! Ganyan na ganyan din ako. Basta po invite lang po kayo para wala sila masabi. Darating or hindi, ayos lang. Sa experience ko po, noonh 1st birthday ni lo ang bongga. Nag-invite ako atleast wala ako maririnig na masama. Nung 2nd birthday ni lo, dapat hindi na kami maghahanda kasi nakakapagod lang. Eh makulit si ate ko. Siya lahat gumastos. Ang ininvite lang namin ay family lang. Turning 3 na si lo next month. Wala ng party. Sa bahay nalang. Takot na lumabas dahil sa covid. Sana maintindihan ng in-laws ko. Hahaha!
haha gnyan dn ako eh .. ayoko tlga ng mga party party na yan 😆 elem plng ako ayoko sumasama sa xmas party. npilit nga lng ako nung hs sa js prom kc nttakot ako bumgsak dhil my puntos sa grade pg sumama 😆 bt anyway kung sa anak mo mamsh di pa nman nya maaabsorb yang gnyang kcyahan kc bby pa sya d nya prin mttndaan kht mkita nya pic pglaki nya. ok na nga ung maipghanda sya. pra daw di mgkasakit ayon sa mga mtatanda. bwi ka nlng sa pg 7yo nya .. pnigurado hnding hindi nya malilimutan yon someday.
Relate...kaya ako hindi na nagparty kc wala naman ibang bisita wala din mga bata maglalaro. Ganyan na ganyan din sitwasyon namin lalo nat bagong lipat lang kami dito sa place namin ngayon wala pa din masyado kakilala wala din masyado mga friends kung meron man mga busy din sa buhay at malalayo kaya ginawa namin nagouting na lang kami nagswiming at nagenjoy pa baby ko kc kung party hindi rin naman sya mageenjoy hindi pa naman nya alam at naiintindihan. Simpleng selebrasyon lang ok na.
Same situation with my toddler. We were based in Dubai when she celebrated her 1st birthday. Since, super konti lng ng maiinvite esp kids, we opted to enjoy a staycation for 2 days sa hotel and we asked my MIL to have a feeding program na lang sa isang orphanage sa Pinas and a simple dinner celebration with friends in Dubai. In that way, ung pics na mppakita namin sa knya when she grew up will be something special and intimate.
I’m an introvert. Good thing si hubby opposite ko. Total friends ko ay 7 all in na yun sya siguro nasa lagpas 100. Sya ang nagpaplanu ng lahat ng social event namen dahil sya ang may alam kung anu ang masaya para sa pamilya at kaibigan at syempre sa anak nya. Ako naman support lang pero kung ako lang ang masusunod at magpapaka selfish ako, I’d rather na kme lang 3. Buti nalang yung asawa ko sobrang sociable.
Same here sis. I am introvert person , pasalamat ako at si hubby ay kabaliktaran ko, sobrang daldal at in short PR . magpapagender reaveal party kami ngyon, gsto ko sana both family lng at simpleng gender reveal. Kaso gsto nya is ung bongang bonga with catering at maraming guest 😅😅 kaso akin is parang nsa 1% lang bisita ko sa 99% nyang bisita 🤭🤣🤣kaya thankful ako at extro ang partner ko 🤣