24 Các câu trả lời
Same here. Gusto ko nadin mamili kahit 17weeks palang. Dami din po kasi nag suggest na mcmuch better onti ontiin kesa isang bagsakan ng pamimili ng gamit ni baby pra hindi mabigat sa bulsa. Yung mga common na gamit po ni baby na di need malaman ung gender like bottles, ung newborn clothes na white lang. Ganun po.
Di na kame nakaintay maconfirm kaya nung minsang mapapunta kame sa mall namili na kame ng basics. Yung mga baru baruan at mga mittens. All white naman yun so wala naman magiging problema if anuman ang gender ni baby. 20 weeks pa lang ata ako nun. Basta di pa confirmed yung gender namili na kame.
7 mos na ako namili sinabayan ko yung sale . Mahilig din ako magcanvass kung saan mura para sulit sa pagbili . At mas magandang ilista ang kailangan at unti untiing bawasan in that way mas makakatulong talaga
Yes! After namin malaman gender @ 21weeks, saka na kami namili ng gamit. Natakot din kasi kami na di makabili dahil sa pandemic kaya kahit medyo maaga pa kinumpleto na namin ang bili ng gamit ni baby.
Yes, hinintay ko na maconfirm yung gender ni baby bago mamili para personalized lahat. Ayoko kasi ng mga gender neutral colors. 20 weeks nalaman namin gender nya at 20 weeks rin kami nag start mamili.
5 months ako nag start mag ipon ng gamit Momsh like mga essentials, ngayon 7 months na kumpleto na po after ko pa ultrasound nung 6th month saka ako namili ng mga onesies 😊
Ako po yung plain white lang muna binili ko tutal hindi ko pa naman alam ang gender. Mas maganda kasi kung Plain white lang pag New Born walang halong kulay talaga.
Ako di q pa alam gender puro white at yellow lang binibili q .pero gusto kona din malaman gender kc nakakatuwa pag may kulay😊
Namili ako nung malaman ko gender ni baby. 6 months ako nag start mamili ng ibang gamit. Paunti unti. 😊
Mga in laws ko kahit di pa alam gender namili na ng konti, tapos nung nalaman gender nagdagdag na lang.
Kaye