Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
A lawyer and a mother ⚖️❤️
MATERNITY LEAVE
Kamusta mga mommy, kailan tapos ng maternity leave nyo? 😅 Ako sa March pa 🤣
Prosperity Bowl 2021
Prosperity Bowl for 2021, Happy New Year TAP family
During Pregnancy Vs. After Pregnancy Body
Finally after 19 days nakalabas din 😊
SSS Maternity Benefit
Hi mga mommies baka may naka experience din sa inyo ng ganito. Sa mga nag process ng SSS nila. Sa SSS website po 63,875 dapat ang maternity benefit ko pero, 57k lang ang pumasok. Sa mat1 ko po December 20, 2020 ang due date ko, pero nanganak na po ako nung December 07, 2020.
Birth Story
Sharing my birth story. Team December, baby out! My baby girl Carlisle Renesmee. DOB: December 07, 2020 // 10:39pm EDD: December 20, 2020 December 6 ng gabi nag insert ako nung pampalambot ng cervix na advise sakin ng OB. Tanghali na ko nagigising lagi, nasanay kasi ako sa work ko na pang gabi kaya nung December 07, 2pm na ko nagising, pag bangon ko biglang may water na hindi ko mapigilan paglabas, akala ko naihi lang ako. Nagpalit ako ng underwear, then maya maya ayan nanaman yung tubig. Wala naman akong pain na nararamdaman. Kumain muna ako bago kami nag decide na dalhin na ko sa hospital. Bandang 3:30pm kami nagpacheck up. 2cm na and ruptured na ang amniotic sac kaya tumutulo na panubigan ko. Sinabihan ako na pag di tumaas ang cm ko at di pa lumabas si baby hanggang Dec 08 ng umaga for CS na ko. 7pm ako nag start makaramdam ng pain, nung una tolerable pa, hanggang sa tumindi ng tumindi yung pain, 8:30pm na 2-3cm pa din. Around 9pm mahigit sobrang tindi na ng sakit, pag check sakin 4cm na. Then may nilagay sila sakin na para daw ihi, makakatulong din daw yun kay baby para bumaba ulo nya. After nila nilagay yun, tumindi lalo yung pain, halos non stop na talaga yung pain. Pag check ulit nila 8cm na pala kaya binaba na ko sa delivery room. Tapos sa delivery room tinanong ko pa yung doctor, ilang cm na po ba, di pa ba lalabas si baby. Sagot sakin nung doctor, wala ng cm ikaw na lang hinihintay namin umire. Isang mahabang ire na lang kulang. 😅 aba malay ko ba haha, di naman nila sinabi. Unang ire ko mali daw haha wag ko daw igalaw balakang ko at wag biglang bawi. Sunod na ire ayun okay daw isa pa daw, edi umire ulit ako ng ganun. Tapos yun di ko na alam mga sumunod na nangyare kasi nilagyan na nila pampatulog yung dextrose ko. Nagising na lang ako nung tinatahi na ko kasi naramdaman ko, sabi ko pa aray ano ba yun ang sakit. Sabi sakin nung doctor, matulog lang daw ako kasi duduguin daw ako pag gumising ako. Edi ayun pumikit ako kahit ramdam na ramdam ko yung pagtahi nila sakin. 😅 Grabe pala, walang katumbas na sakit ang paglabor, ayoko na umulit 😅
SMALL BABY BUMP
36 weeks pregnant, EDD: Dec. 20. Mommies na Team December pakita naman po ng baby bump nyo. Maliit po ba yung sakin? Base sa ultrasound ni baby 2 kilos palang sya. Share nyo naman po baby bump pics nyo at kung ilang kilo si baby nyo sa loob.
PREMATURE BABY
Mommies may nanganak po ba dito ng 34 weeks? kamusta po si baby?
30 WEEKS PREGNANT
May nanganak po ba dito ng 30 weeks? Kung meron po kamusta premature babies nyo? at risk po kasi ako sa preterm labor, lagi akong dinudugo, nung 23 weeks nag preterm labor ako. Ngayon 30 weeks na ko may nararamdaman akong tumutulak sa mismong vagina ko, tapos parang may tumutusok na masakit pakiramdam ko may puputok sa loob tapos nararamdaman ko galaw ni baby pababa. May pain pero tolerable pa naman.
PRENATAL VITAMINS
30 weeks pregnant Sino po nagtetake ng ganitong vitamins dito, ilang beses nyo po sa isang araw tinetake?
ANXIETY 😰
Mga mumsh naghahalo kaba ko huhuhu. Kasal ko na sa October 28 tapos after ng Kasal November to December kabuwanan ko na. Di ko lang alam kung mas kinakabahan ba ko sa kasal o sa panganganak. Jusko huhu baka mapaanak ako ng maaga sa sobrang kaba. Pero yung groom to be ko, ayun chill chill lang haha 🤣 Sabi ko nga baka pwedeng pumirma na lang ako sa marriage contract 🤣, talaga bang maglalakad ako sa aisle at magpeprepare ng vows? By the way wala pa pala akong wedding vow 😰