MAGULANG

In your own opinions, responsibilidad ba ng mga anak ang kanilang mga magulang???

45 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

for me hindi tlga. pero nasa anak kasi yun kung paano siya sa paraan niya. ako kasi babawi ako sa magulang ko, nagbbgay dn kmi pag kailangan at may extra blessing. responsibilidad kse ng parents ang anak e.

Not obligasyon. Pero bilang magulang natin sila. Wag na lang cgro natin sila itake for granted. Kung medyo nakakaluwag luwag magabot kahit papano or ilabas sila. Tumulong kung kaya 😊

Nope. Parents should be responsible for their own retirement. Though I still support my parents but I do it out of love not because it's a responsibility

Hindi naman po pero ako bilang anak naaawa ako sa mama ko kaya binibigyan ko sya pag meron akong maibibigay pero pag wala okay lang din naman sa kanya.

Thành viên VIP

Hindi po pero dahil nakasanayan or tradisyon na sa ating mga pilipino na tumulong sa mga magulang kaya nagiging responsibilidad na sya ng bawat Anak.

Thành viên VIP

Para sakin oo..mahal ko magulang ko and gusto ko silang ipasyal sa ibat ibang bnsa kapag nakaipon na. And ako din mag aalaga sakanila pag dna nila kaya..

5y trước

Sana po kagaya niyo lahat ng mga anak. Isa lang po masisigurado ko sa inyo, anuman po ang mithiin niyo sa buhay na makabubuti sa inyo, makakamit niyo po yun lalo na mahal na mahal po niyo mga magulang niyo. May magandang kinabukasan pong naghihintay sa inyo. Keep it up po sister.😊

Thành viên VIP

Para sa akin HINDI. PERO, hanggat kaya at may maibibigay akong tulong lalo na't papa nalang ang meron ako at matanda na sya, tutulong ako.

Opo sabi pag ganyan ka sa magulang mo mas i bless ka ni god ng sobra . mamalasin ka pag wala kang paki alam sa magulang mo

Nasa kultura na natin na tulungan ang ating mga magulang, pero nasa iyo pa din naman yan kung tulungan mo sila or hindi.

Thành viên VIP

Oo. Hindi ko man sila matulungan financially, pinapangako ko na ako ang magaalaga sa kanila hanggang sa pagtanda nila