MAGULANG

In your own opinions, responsibilidad ba ng mga anak ang kanilang mga magulang???

45 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

No! Yung parents ko, busy pa rin sila sa negosyo kahit na yung ate ko eh kayang kaya na sila buhayin dahil may business na rin ate ko. And hindi nanghihingi ng pera parents ko sa ate ko para sa mga luho. Tinuro nila samin na pag pera namin, pera namin. Pero lagi tatandaan na yung pera na aangkinin mo ay pinaghirapan mo at hindi galing sa masamang gawain. Tinuruan kaming maging independent sa lahat ng bagay. Ewan ko ba sa ibang pamilyang Filipino na kapag graduate ng anak ay isusumbat na sa kanila lahat. Na kesyo pinag aral ng ilang taon. Sinasabi samin ng parents namin na pag kagraduate namin, tapos na responsibilidad nila samin at malaya na kami gawin ang mga gusto namin. Pero bilang anak na pinalaki ng maayos, hindi kami makakalimot na suklian yon. Pero hindi iyon hingi ng magulang. Kundi kusang bigay. Kaya siguro masama ang loob ng iba magbigay sa magulang dahil na rin sa mga panunumbat at mga responsibilidad na pinapasa ng mgaulang sa anak. Magulang na magugulang. Tumandang paurong.

Đọc thêm

Para sakin oo. Pero ang pananaw ng ate ko, di nya responsibidad ang mga magulang namin. Hindi nya daw obligasyon na ganun. Maganda trabaho nya, nasa 30 na sya pero sa bahay ng magulang namin sya nakatira. Nangungupahan lang kami. Dito rin kami nakatira ng baby ko at asawa ko. Dati nung nagwowork ako at dalaga, konting hiling ng mama ko ibibigay ko. Kung san nya gusto kumaen, dinadala ko sya dun. Ako lang ang nakatapos ng 2 years sakanila. Ang ate ko at bunso namin na lalaki parehong college degree. Gusto na namin magsolo ng asawa ko pero ayaw kami palipatin ng mama ko at gusto nya kasama nya ang apo nya. To make the long story short, nakaasa pa rin ang ate ko. Kami ng asawa ko kami nagbabayad ng upa at kuryente. Pag nagluluto kami, binibigyan ko sila. Pero pag ang ate ko nagluluto, di nya man lang maalok ang nanay ko. Itatabi nya na agad para dun sa bf nya. Pag sa bf nya lagi sya may pera pero ni minsan di nya napautang nanay ko. Galit pa sya pag walang madatnang ulam.

Đọc thêm
6y trước

Grabe naman yang kapatid mo. :(

for me it depends. syempre most of us will say no. kasi ayaw natin pakargo sa mga anak natin, pero ilagay natin ang sitwasyon natin bilang anak sa ating mga magulang. Bilang anak, responsibilidad kong alagaan, pasiyahin ang magulang ko. matitiis ko ba na ako masagana tapos yung magulang ko may sakit o naghihirap, walang panggastos? diba hindi? gusto ko pati, mapasaya sya palagi. paano? sa lahat ng lakad ng pamilya ko, palagi ko syang kasama, ayoko maramdaman nila na sila na lang. naiitsapwera na. ganun. bilang magulang naman, ako bilang ina ng mga anak ko, syempre ayoko pakargo sa kanila, kasi responsibilidad ko yun bilang magulang nila na gawing maginhawa buhay nila sa abot ng aking makakaya. bahala na ang aking mga anak sa kanilang pagtanda kung paano nila kami itatrato o kakalingain. syempre ayaw ko rin maging pabigat lamang sa kanila. pero kung kami'y kanilang tutulungan, edi salamat. pero never ko itong aabusuhin

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hindi if pera pera. Pero ang pag aalaga, pagmamahal at pag sama natin saknila hanggang sa pagtanda ay matatawag na responsibilidad. Lalo na ako, only child ako. Ayoko lumayo sa parents ko. Pero kung need nila ng help financially willing naman ako tumulong. Pero hindi ako ganon pinalaki ng magulang ko. Lucky enough. May sarili silang pundar para sa pagtanda nila. I guess itong post na to ay in terms of money or giving money allowance kada month. Its up to everyone, depende rin sa family status

Đọc thêm
Thành viên VIP

para saakin oo lalo kung hindi na nila kaya o hirap na silang magtrabaho, hindi mo sila dapat pabayaan tulad ng hindi nila pagpapabaya sayo nun bata ka, nabili man nila o hindi lahat ng gusto mo nung bata ka hindi dahilan yun para pabayaan mo sila, tinuruan ka nila magsalita, kumain, lumakad, magsulat, lahat sakanila mo natutunan kaya kung umabot man sila sa punto na wala na silang alam dapat mo silang alagaan dahil nung panahon na dede at iyak lang ang alam mo hindi ka naman nila pinabayaan.

Đọc thêm
6y trước

Naiyak po ako sister sa comment niyo po. Sana lahat ng anak kagaya po niyo. Sobrang blessed po ng mga magulang nyo na may anak silang kagaya niyo na napakalawak ang pag iisip. Pero wag po kayong mag alala, mas pagpapalain po kayo dahil minamahal at hindi nyo pinababayaan mga magulang po niyo. Saludo po ako sa inyo😊

Yes and No. Hindi dapat obligahin ng magulang ang anak at hindi naman dapat abandonahin ng anak ang kanyang mga magulang totally. Hindi dapat maging dependent sa isa't-isa. Maaring magtulungan sa panahon ng pangangailangan, maaaring mag-abot kung may extrang blessing at maaaring lumapit o humingi ng tulong kung kailangan. Respeto lang sa bawat kanya-kanyang buhay bilang indibidwal ang dapat, lalo kung ang anak ay bumubuo na ng sarili niya ring pamilya. Yan ang cycle ng buhay.

Đọc thêm

Para sakin hindi 'PERO' kung may malasakit ka at pagmamahal sa magulang mo hindi mo sila pababayaan tandaan natin kung di dahil sa kanila wala tayo sa mundong to tsaka sino nalang tutulong sa kanila? Ibang tao ba matutulungan sila? Syempre tayong mga anak nila lang din naman malalapitan nila. Ako kahit may asawa na ko patuloy pa din ung padala ko kay mama, pag nagawa na bahay namin gusto ko dito na sya sakin tumira pumayag naman ang asawa ko.

Đọc thêm
Super Mom

Para sa akin Yes po pero NOT ALL THE TIME. Syempre magulang ntin sila sino pa mag aalaga sa kanila kung tayong mga anak dba? Okay lng mag abot ka kung may iaabot at tulungan mo sila pero wag naman to the point na sobra na yu g halos buong sahod mo sakanila nppunta. May limit po ang lahat ng bagay. I am now married but I still take care of my parents at siblings, kung meron nag aabot ako pero kung wala naman naiintndhan nla

Đọc thêm

Mgulang ang may responsibilidad talaga sa anak. Pero kasi in our culture, nakasanayan na talagang tumulong ng anak sa magulang dahil nandin sa sinasabi niang “utang na loob” pero nasasayo pa ding anak naman yun. Kung may maibibigay ka, maganda at mabuti pero kung ikaw din wala, pwede ka naman magsabi sakanila, maiintindihan ka naman siguro ng mga yun.

Đọc thêm

Sa aking palagay OO..kc sno pa ba magmamalasakit sa mga magulang ntn kung d taung mga anak db?kung magbgay man tau ng pera or materyal na bagay sa knla,hnd nangangahulugan na nagbabayad tau ng utang na loob.magbgay tau ng bukal sa loob ntn at higit sa lahat magbbgay tau or aalagaan ntn cla sa pagtanda nla dahil MAHAL Natin sila.🙂

Đọc thêm
6y trước

Sobrang pinagpala po ang magulang nyo dahil may anak silang kagaya nyo po. God bless you po😊