Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Zach Ethan's Mom
?
Totoo daw po ba na kelangan sa mga may itsura lang dw po titingin at hindi sa mga pangit (sorry for the word pero ang alam ko kasi wala talagang pangit ?) para yung anak mo hindi daw pangit pag labas. Totoo po ba yun ? Salamat sa nakapansin ?
It's a Baby Boy
Akala ko talaga 5 months pa lang akong buntis yun pala 7 months na, 30 weeks and 3 days ang basa ng doctor sa tiyan ko nung nagpa ultrasound ako nung sept 6. Hindi rin ako talaga sure kung kelan yung last menstruation ko nakalimutan ko na kasi tapos sabi ni doc ang possible due date ko ng panganganak is Nov 12 hindi na Dec 31 . Excited na ko na medyo kinakabahan lapit na kasi ?.
Pinagpalit sa iba
Ngayon ko lang nalaman na may iba na pala yung bf ko sa boracay sinabi sakin mismo nung gf ng kaibigan ng bf ko na palagi daw sila magkasama at tinawagan ko kanina yung number ng kaibigan ng bf ko ayaw daw akong kausapin ng bf ko tapos sinabi ko na kelangan ko siyang kausapin para malinawan ako hanggang sa sinagot na nga ng bf ko yung cp pero parang galit sya tapos parang wala din siyang ganang kausapin ako then tinanong ko siya kung totoo ba talaga yun ang sabi niya nung una hindi daw pero nung huli umamin din siya na totoo daw pala talaga tapos sabi ko sa kanya dapat sinabi mo sakin ng maaga para hindi ako naiistress dahil alam mong buntis ako tapos tinanong niya pa ako kung ano daw gagawin ko ngayong alam ko na meron na siyang iba edi sinabi ko na wala hanggang sa namatay na yung tawag tapos nung tinawagan ko ulit patay na yung cp. Kaya din pala siguro palaging lobat cp niya kasi talagang ayaw niya kong kausapin. Masakit man isipin pero wala akong magawa akala ko pa naman okay na lahat pero hindi pala saka kung kelan ako malapit na umuwi saka naman siya nagloko. Kaya nag decide ako na hihiwalayan ko na siya pag uwi ko although nakapag send na ko ng break up message sa cp niya hindi niya pa rin naman mababasa yun kasi lobat cp niya kaya makikipag break ako ng personal at saka namin pag uusapan yung tungkol sa sustento niya ky baby. Sorry po napahaba ???
Another girl and buntis pa?
Ganto po kasi yun kahapon po tinext ko yung number ng katrabaho ng bf ko kasi wlang signal yung cp niya tuwing nasa boracay siya kaya nakikitawag sya minsan saka 3 days na kasi siyang hindi tumatawag kasi busy siya palagi tapos nung tumawag yung number ng katrabaho niya akala ko lalaki yung sasagot kasi dati naman nung may load ako pag ako tumawag lalaki yung sumasagot nagulat ako kasi babae yung sumagot sabay sabing sino to ? Gf nya to tapos nung hindi na ko sumagot pinatay na then nagtext na wag mo na guluhin bf ko buntis ako 2 months na pagkasabi niya nun parang gumuho yung mundo ko akala ko kasi magiging okay na lahat kung kelan malapit na ko umuwi dun ko pa nalaman yung mga ganun hindi ko maintindihan yung mararamdaman ko gusto kong tawagan bf ko kagabi para itanong sa kanya pero wala naman akong load kaya wala akong nagawa kundi umiyak na lang. Nitong umaga lang tinawagan ko yung tatay ng anak ko umuwi pala siya nung isang araw tinanong ko sa kanya kung totoo bang may nabuntis sya sabi niya hindi naman dw totoo pero hindi ako kumbinsido sa sagot niya kasi parang pagalit e tapos sabi niya bahala dw ako kung ayaw kong maniwala sa kanya at isipin ko na lang daw kung ano ang gusto kong isipin sa kanya. Saka nagagalit siya kasi bat dw ako nagtetext dun ng paulit ulit ang tigas dw ng ulo ko. Masisi niya ba akong hindi magtext dun sa number ng katrabaho niya e yung cp niya laging walang signal o kaya minsan nakapatay o lowbat saka di ba dapat kinukumbinsi niya ko at magpaliwanag na hindi naman talaga totoo yung sinabi nung babae pero ang nangyari hindi niya ko binibigyan ng tamang sagot at galit siya dahil pagod siya at yun yung ikinasasama ng loob ko kaya pagka uwi ko ng iloilo pag iisipan ko kung hihiwalayan ko na lang ba siya o hindi kasi naaawa din ako sa baby ko ayoko siyang lumaki ng walang kinikilalang ama.
Masamang Panaginip
Nakaka apekto po ba ky baby yung palagi kang nananaginip ng masama? Nag aalala po kasi ako ky baby. Salamat po.
Preggy
Pag po ba ang last mens ay march 26 then ang last contact ay april 19 ilang months na po ba yun? Salamat po.
Baby
Pag po ba galaw ng galaw si baby oras oras ibig sabihin po ba healthy siya ? Kasi nararamdaman ko po na madalas yung paggalaw niya sa tiyan ko e.
Zalora
Pano po ba mag redeem sa zalora? Akala ko naman po pag may code pwede na magamit yun para makapag shop naguguluhan na po kasi ako
Photobook
Pano po ba bayaran yung sa photo book na ni redeem kasi po wlang laman yung account ko sa pay maya saka sa g cash. Wala na po bang other options para mabayaran man lang yung 250 sa shipping fee? Pakisagot po please. Salamat po.
Posible po ba na gumalaw na si baby kahit mag fo 4 months pa lang ? Kasi minsan kapag nakahiga na ko parang gumagalaw kasi sya.