78 Các câu trả lời
Yung galit mumsh nanjan tlga yan sa umpisa., lahat masasabi, ok lang yon, huhupa din yan, kasi family is family kahit baliktarin pa mundo, sila lang makakaintindi, at iintindi sayo, nasa legal age ka naman, kung age wise ok naman, di lang ready, dadaanan mo naman yan eh, so kahit d ready, along the way matututo ka, magiging responsible kase anjan na yan. kesa gumawa ng di tama, tanggapin mo lang lahat ng galit nila sigaw man or ndi mga masakit na sasabihin, normal un dala lang yon ng galit. blessing ang baby. matatanggap at mattanggap nila yan
Hi cyst same age tayo turning 6 months na akong preggy, di talaga maiiwasan na ganyan maisip mo, kasi naiisip ko rin minsan na marami pa akong pwedeng gawin like tumulong sa family, mag-travel etc. Pero once na na-enjoy mo na yung pregnancy stage marerealize mo lahat na pwede mo pa rin gawin yung mga gusto mong gawin with your own fam. Enjoy mo cyst lalo paggalaw ni baby sa tyan kakatuwa. Wag ka matakot sa parents mo, kung alam mo sa sarili mong mahal ka nila tatanggapin ka nila. Sa una lang yang galit nila 😇😇
Birthday ko sakto 23 ako buntis ako 🤣 Delay pa lang ako ng 1 week sinabi ko na sa mama ko kasi very open kame sa kanya. Hanggang sa nung nag two weeks na kong delay sabi ko ibili nya ako ng PT, namili sya dalawa. Pareho positive, disappointed sya at first and di nya alam pano ioopen sa papa ko since nasa abroad sya natatakot si mama na baka may mangyari kay papa. Pero ngayon mag 6 months na ko buntis nasabi na namen sa papa ko and very supportive sila saken na halos weekly nila ako pinapadalhan ng pera ko 😁
Are you working na ba? Ang iniisip lang naman kasi ng parents mapagtapos tayo ng pagaaral after nun happy na yan sila for us. Ikaw naman nakakakilala sa parents mo, on how they react sa mga bagay bagay. Ihanda mo lang yung sarili mo sa pwede nilang sabihin or gawin pag nalaman nila. Pero as early as possible dapat sabihin mo na together with your boyfriend. And dapat may plans narin kayo ng bf mo kasi gustong malaman yan ng parents kung anong balak nyo sa buhay nyo.
Nope not too young since hindi ka na teen. Siguro the way ka itrato ng family mo, parang teenager pa din and or the way the ka mag isip but since nakaya mo na makipagsex then make sure na kaya mo na yung responsibilities and consequences nun. Tell your parents, dapat magkasama kayo ng boyfriend nyo na paninindigan yan. Magagalit sila since di nga kayo kasal pero tanggapin nyo lang lahat, then move forward na. Planuhin nyo na future nyong pamilya.
Di naman din basehan ang kasal ngayon sa stability and strenght ng pag sasama eh, ako di pa din married first time mom den, Im 25. sinabi ko agad sa knila na preggy nako. wala naman sila magagawa eh. as long as, ituloy mo ang pregnancy mo kasi blessing yan, dugot laman mo yan, and just do everything para mabuhay mo sya sa paraang kaya mo. panindigan ka man ng lalaki o ndi.. 💓 anyways, god bless you.. kaya mo yan!
I'm turning 24 this year. 4 years na kami ng boyfriend ko. Mas unang nalaman ng mom and older sister ko na buntis ako kesa sa family ng bf ko (Medyo conservative family niya). Luckily, walang nagalit kahit sino sa kanila. Natanggap naman nila agad kasi parehas naman kaming may work. Mas okay na sabihin mo agad sa family niyo, hindi na tayo teenager pero kailangan pa rin natin guidance nila :)
I am 21 years old right now and 4 months preggy na. I told my parents last two weeks ago. Sobrang shock ng parents ko but eventually naging mas caring sila. Sad part is I'm the bread winner of the family and almost all my salary is NASA kanila so since may baby nako I need to save some for the baby. I'm living with my bf but we always argue and he always wants break up 😭
Ako nga po 21 nung nabuntis. Bread winner pa ko, then nag iisang babae, laki pa ng age gap namin ng lip ko 12 yrs yung gap nya saken. Nung una nakaka kaba pano sasabihin sa side ko nabuntis ako, pero natanggap naman sguro dahil wala ng magagawa pero ramdam ko nun na dipa totally tanggap ng mother ko pero nung lumabas si baby parang ayaw na ibigay saken. Hahaha.
Too young?parang hindi na.millenial na tayo ngayon.Ako nga pag ka 18yrs old buntis na ako at ang hubby ko ay 25yrs old.syempre mahirap kase hindi pa ako sawa sa pag kadalaga.Pero kahit ganun pinilit ko kayanin kase ginusto ko ito.Saka ipag tapat muna sa parents mo isama mo si bf mo habang maaga pa.Natural magagalit sila pero matatanggap din nila.
astrid