NEED SOMEONE TO TALK TO.

Im 9 weeks pregnant, having issues with my Boyfriend. Pano po kontrolin ang stress. :( First time mom po.

63 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

when I was pregnant bf ko talaga Ang pinoproblema ko, isa din sya sa nagbigay stress sa akin maliban sa pamilya ko. Hindi sya concerned wala syang paki Kung nakakain naba ako or what, bed rest ako Kaya nahihirapan, Ang sakit Lang Kasi isipin, wala syang paki Kung nagugutom or may gusto akong kainin, Kami lng dalawa sa bahay, Kaya no choice kundi mag timpi at mag tiis, walang araw na Hindi umiyak at ma stress, Nanganak ako last Oct. 21, 2020 through CS, Kasi Hindi ako naglalabor and fully dilated na Ang cervix ko, na distress narin si baby sa loob Kaya my doctor decided an Emergency CS, umabot Yung excess namin Ng 100k+ sa private hospital Kasi at private doctor din Kaya magastos, grabe Yung pregnancy journey ko 6 na beses ako nahospital, pagkatapos ko manganak Puro blame Ang narinig ko kusya ganto ganyan, Yan Kasi, its too hard for me, and thanks God ❣️ okay and normal si baby, Ang cute nga Lang Ng weight 37 weeks lng ako non, 2.2 kg Lang sya sa kadahilanang walang insaktong Kain sa pagbubuntis, pero I'm so thankful okay si baby, salamat sa diyos at sa doctor ko😇

Đọc thêm
Thành viên VIP

No matter what, try to think of the effect sa baby. Kasi grabe talaga yung impact nyan. Unahin mo po yung baby, your bf will come to his senses din naman sometime soon. Right now, unahin mo ang sarili mo kasi your body is nursing your baby. Malaki na yang bf mo, he can fend for himself at kung mahal ka nyan. He'll understand you and reconsider the fact na hindi ka pwedeng ma stress kasi you're in a fragile state where your hormones are everywhere. Whenever I get stressed nga, I tend to just eat some fruits lalo na nuts then distance myself sa mga source ng stress na yan. I think right now, you're still in the process. Be sure na magpakatatag ka.

Đọc thêm

Be positive make sure na may isang tao kang mapagsasabihan ng problema mo like friends or family. Ganyan rin ako nun I don't know kung matutuwa or maiiyak nung nalaman kong buntis ako then after ng check up nung ready na ko sabihin sa bf ko na positive nag pray pa siya na sana wala that's why parang nadown ako lalo na nung sinabi ko sakanya buti nalang nandyan yung kaisa-isang pinsan ko she even sacrificed na umabsent para samahan ako lalo na't di ko rin alam pano sabihin sa mom ko pero ngayon tanggap na nila kahit bf ko tanggap na tanggap na namin and always put in your mind na blessing yan ni G❤️

Đọc thêm

Nagkaproblema din ako with my bf nung 1st trimester, lalo na at mas grabe hormones ko so super emotional talaga, focus lang kay baby, if it affects you too much, then do what you have to do para may peace of mind ka. Kausapin mo din si boyfie mo. ako at bf ko, naghiwalay kami saglit actually for the first tri and half ng 2nd tri, he still checked up on me pero i needed space kasi para din sa health ni baby. Basta always put the baby first. Ngayon na 3rd tri na ako, naging okay na kami and im happy we took some time off. It really helped us both

Đọc thêm

maging mahinahon po kayo... understand your self.. may pagbabago po sa hormones kapg buntis kaya madaling magalit.. mag isip po kayo ng mga magandang bagay.. mag usap po kayo ng boyfriend nyo sa mahinahon na paraan. ipagpray nyo po na maayos ang problema nyo dahil sa solusyon, hindi sa paghihiwalay...pareho nyo pong ibaba ang pride. and focus on your baby. ang kalusugan nya ay nakadepende po sa inyong pag aalaga sa iyong sarili.. at walang katumbas na saya, kapag nakita mo na siya😊

Đọc thêm

Ganyan din ako dati halos araw araw stressed sa boyfriend ko and at the same time worried na maaapektuhan baby ko. Kaya ang ginagawa ko naglalabas ng sama ng loob sa mga kaibigan kong willing makinig, pero pag sobra sobra na talaga stress ko I let myself cry for a moment habang nagdadasal kay God na bigyan ako ng lakas para maovercome yung stress and at the same time pinagdadasal ko rin na iguide Niya kami to make the right decisions. After nun okay na ako, I go with the flow.

Đọc thêm

I'm 33 weeks preggy na and nagsuffer ako from depression nung 6 weeks preggy palang ako pero I'm proud to say na nakaya ko. Knowing na si bf naglie sakin and take note pag apat na panganay niya na ang anak namin😅tapos may kinakasama pa pala siyang iba and I decided to break up with him for a peace of mind. And nung time nayun di ko maiout sa family ko na buntis ako and yung problem ko pero in the end of the day sila ang makakapitan mo. They will support and love you no matter what ❤

Đọc thêm
5y trước

Same situation here mamsh😢 Ganyan na ganyan din kwento ko😢 thank God at di ako pinabayaan ng family ko despite sa lahat ng nangyare 😇 Laban lang tayo mommy. God bless us at sa mga baby natin

Naexperience q yan mastress to the max nung 8-9weeks preggy ako dahil sa mga komplikasyon sa buhay q kasama mga tao sa paligid q,sa gabi naman puro ako iyak. Pro nung nahmasmasan ako at naisip q nakadepende sakn ang maggng anak q na22nan q magpakatatag. Instead of crying inisip q na lng paano q sya maalagaan at palakihn ng tama. Na22nan q dn ignore ang mga stressor sa paligid. Kya momshie gawin mo inspirasyon baby mo dahil kaw lng kailangan nya wag mo na pansinin bf mo.

Đọc thêm
5y trước

I love this comment mommshie.. it really helps me , sa mga katulad kong first time mom 😍

Thành viên VIP

ito din naging mahirap na sotwasyon ko nun ang mastress sa kinakasama ko.. halos d na ako matulog kakaiyak. and knowing nga very sensitive ang nagbubuntis maliit na bagay sa kanya pero saakin malaking bagay un.. and since dito ako sa kanila nakatira kasi d ako makauwi dahil pandemic wala akong malapitan na kaibigan or mapagsabihan nang problema.. advise ko is d ka nagiisa.. kakayanin mo yan for ur baby, sayo sya nakadepende. and always pray

Đọc thêm

Paraan ko ng pagkontrol nan stress... Unang -una layuan yung nagbibigay ng stress kung kaya naman. Pangalawa, mindset mo lang. Kung may problema s kanya at d nya kaya baguhin kahit na nakausap mo na or wala na solusyon kahit pa mastress ka, tanggapin mo nalang. Iwasan na magisip nan negative. Mas intindihin magiging effect kay baby. Pangatlo, hanap nan ibang bagay na paglilibangan o pwede makausap.

Đọc thêm