Pregnnt with PCOS
Hi I’m 8weeks pregnanct as of now. I have PCOS po and per my doc mas higher chance po na magka miscarriage ako. 6 weeks po nung nalaman ko ang nagpacheck up ako, wala po heartbeat pa ang baby. Ang sabi po ni doc mahina ang kapit ng baby at nagkakaroon na po ako ng spotting/bleeding as of now. 3days na po. Anyone po na nakaexperience na nito? 1st pregnancy ko po ito. Natatakot lang po ako na baka makunan ako Thank you po’
1st pregnancy ko nakunan ako last yr april, and may pcos ako. 7wks tvs ko walang heartbeat eventually nakunan din ako kahit npakadami kong iniinum na pampakapit may insert and oral pa,wala talaga. Pero siguro blessing in disguise na din ung miscarriage ko last yr kasi same month last yr and this yr kong kelan ko nalaman na buntis ako,currently 13wks preg na ko😇 sobrang selan nga lang😄 nag bedrest agad ako the day na nalaman ko na buntis ako. thankful ako na nung nalaman ko nung 1st tvs ko e may heartbeat na si baby sa tummy ko nung 7 wks and 4 days sya. 😇
Đọc thêmAko nman may polycystic po, yan din sabi ng ob ko. Kaya kailangan ingatan ko., iwas stress kasi yan ang number 1 na pwede mong ikabahala, tsaka wag kang nag bubuhat ng mabibigat. Bedrest ko lang sarili ko. Para sure na ingat na ingat ko sya. Den now I'm 6months pregy na po., 😊 thanks god at konti na lang..., kain ka din ng mga healthy foods po. Kung ano mga di pwede kainin. Wag kang kakain. Puro gulay ka lang, dahil sa ganyan na buwan palang. Maselan pa po yan. Kaya bawat kilos ingat ka po. Godbless
Đọc thêmPCOS here, 32 yrs old na ako.. 1st baby.. may spotting din ako pero hindi naman buhay na dugo..upto 14 weeks ako mg duduphaston as per my OB bawal ako mg move ng kahit anong gamit na mejo mabigat..at mglakad ng 15 minutes na continious nag didischarge ako. High risk pregnany.. I am on my 7 weeks now. Sana kayanin natin dahil kapag nawala sa kin to hindi ko na alam ggwin ko 😔 kausapin mo si baby lage. Sabe sken ng friend ko bawal maupo sa matitigas na upuan..lagay na unan sa upuan..
Đọc thêmI have pcos din po. Pero 13weeks and 5days kuna nalaman na preggy na ako. Tapos nag wowork pako that time tayu an pa ng 12 hours araw2 may pang gab e pako. Pero laki pasalamat ko na grabii yung kapit n bby kahit late na namin nalaman pero nireseta prin ako ng ob ko ng pangpakapit now 19weeks na sia subrang likot nia na sa tummy ko.. Puro gulay lg ako at prutas lakad2 minsan pero pahinga kadalasan. Kaya natin to mommies with pcos experience
Đọc thêmhi, pcos din po ako. nakunan po ako last yr due to blighted ovum. Then this yr nabuntis po ako uli. Pinainom po ako agad duphaston mula nung nalaman na buntis po ako uli. Then 10th week, nagbleed po ako, ang dami po.. Thank God po at ok si baby nung nagpaultrasound ako that day, ang ginawa po sakin in injection ng progesterone every other day for 2 weeks. Pray lang po and have faith na magiging ok din po babies natin.
Đọc thêm5 mos pregnant with pcos po ako. Buong 1st trimester ko naka complete bed rest lang ako and pinag take ako ng Duphaston for 2 weeks. No any signs of spotting or miscarriage. Please do PRAY, eat healthy, (pls wag kumain ng bawal at pwedeng mag cause ng miscarriage) iwasan ding ma-stress. Wag ka magbubuhat ng mabibigat or kahit anong pwedeng maka pressure sa katawan mo. God bless! 🥰
Đọc thêmHello mamsh! PCOS din ako and currently 11 weeks si baby. Twice na ako nag-spotting and super worry ko din that time.. Stay in touch lang sa OB and follow yung mga bibigay nyang gamot and bed rest talaga. Iwasan ma-stress. Try mo din yung relaxing music. ☺️ Kausapin mo palagi si baby mo and pray. Malalagpasan din natin to. ❤️
Đọc thêmTiwala ka lang momshie... Pray ka lang. Wag ka magpaka stress.. Isipin mo na healthy yan si baby. Ako 5week may HB na si baby..., kain ka lang ng mga gulay.,iwasan mo na stress, kahit sabhin na may chance kang malaglagan... Wag mo isipin un. Kausapin mo si baby na maging healthy sa tiyan mo., walang impossible basta mag pray ka lang po.,
Đọc thêmganyan din po ako may pcos ako then nagbuntis ako 6weeks pero nakunan pa din ako kahit bedrest at nagtatake ng pampakapit 1week ako ng bleeding pero sa awa ng dyos nung makunan ako ng june 2021 nabuntis din agad ako nung september2021 and june edd ko ☺️ pray lang po
Pray ka Lang mommy and visit agad si doc kapag may spotting and more bed rest. Ganyan dn advise saken nung nagspotting ako bedrest Pero after 1 day nawala dn. Chineck agad ni doc si baby and heart beat :)