Mahina po kapit ni baby

As per my OB I'm 6weeks pregnant, mahina po kapit ni baby and may hemorrhage. 1st pregnancy ko po to, and natagal namin hinintay to since polycystic ako. My OB gave me progesterone, para pampakapit and naka 4 weeks bed rest po ako, what else can you advice me para mas maging maganda ang kapit ni baby?

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sorry momsh at naranasan mo rin 'yan. Pero kalma ka lang, tiwala ka lang sa taas! Total bed rest 'yan momsh saka religiously take your meds. Sana posible para sa'yo ang total bedrest (I understand people have to work). Nung ako kasi okay lang kasi homebased ang work ko sa laptop lang kahit maghapon humiga okay lang. Buong first trimester ako nag-Duphaston and Duvadilan kasi may subchorionic hemorrhage din ako at 8 weeks, threatened miscarriage pa. With history of PCOS din pala ako and nakitaan pa ng dermoid cyst sa left ovary at 8 weeks. Pero ito ngayon okay pa kami ni Baby ko 🥰 20 weeks and 3 days na kami ni LO and going strong pa sana 🙏 Kaya niyo 'yan momsh basta 'wag ka papatagtag at papakapagod. Eat healthy and religiously take your meds and vitamins. Godbless!

Đọc thêm
5y trước

nakabedrest ako sis with progesterone and isoxillan.nsgspotting kasi ako sis last last week.ill have my tvz nextweek.wat did u do before sis while in bed?

Thành viên VIP

May Subchorionic hemorrhage den aq nung first tri. Ko sis. Niresetahan aq pampakapit, duvadilan at duphaston. Iwasan mu muna maglakad2.maglinis2. Wag pwersahin paa mo like magmomop gamit paa at basahan. Higa kalang po. Need mu den may mkakasama sa bhay while bedrest para may mautusan ka or mkatulong sa pag abot ng ganito ganyan. Kausap usapin mo lng den c baby. Maige din kung may arinola ka para nde palakad2 sa banyo. Bihira lng den aq maligu non dhil sa takot ko na magkikilos. 😅 Haha. 25weeks nko/ftm. Ga patak nlng daw ung dugo sa loob. Tnx god. Before nasa 9ml. Mga 2mants den aqng pinagbedrest kaya aun, resigned na lastyr😅

Đọc thêm
5y trước

6weeks palang c baby sa tummy nung nkita na may Subchorionic hemorrhage aq😅

Thành viên VIP

Wag ka mag buhat ng mga mabibigat.. Wag ka rin akyat baba sa hagdanan.. Wag mag byahe.. Paubaya mo muna gawaing bahay sa mga kasama mo sa bahay, tamang pahinga lng talaga kain at ihi lng bangon mo.. Ganyan din ako since Oct. 2019 pa ako naka bed rest.. First trimester ko umiinom ako ng progesterone na operahan din ako sa ovarian cyst while im 16 weeks pregnant kaya todo pahinga ako now.. Im on my 28 weeks ngayon And always Pray mommy..

Đọc thêm
5y trước

how are you na po sis?

6weeks din nung nagpatransv ako then may sub.hemorrhage nasa almost 4ml. Binigyan ako ng duphaston, isoxilan and bedrest hanggang nung March12. Bawal magbuhat ng mabigat, mastress at magbyahe ng malayo.Bukas papasok na ko sa office. Thank God resolving na daw yung hemorrhage.

Bedrest, Fruits and veggies syempre pinaka powerful is PRAYER and FAITH 😊 same din tayo nung 6weeks preggy ako, nag duphaston ako for 25 days, and thank God naman ngayon 3 months na kami ng baby ko. Wag pa stress mamsh! Always trust God 🙏

During 6 weeks din ako sis mahina kapit ni baby . 4 months ako nag heragest, 2 capsule everynight po .bed rest lang po talaga sis . Tapos pag hega mu, dapat may unan sa feet mo po pra hindi flat .

Thành viên VIP

same sa case ko before totally bed rest ako hanggang 6months, kase prone ako sa miscariage naka 3x na kase ako nakunan before, sundin mo lang advice ni ob saka inumin mo lang mga reseta nya

Thành viên VIP

Same case tayo momsh.. Lagi ka lang humiga. Taz lagyan mo unan pwetan mo. Bawal stress . Bawal exert ng force . Pray lang ng pray. Kausapin mo din baby mo na kumapit lang.

Đọc thêm
5y trước

how long ka nagbedrest sis?and what did you do lng during bedrest?masakit din kasi sis sa likod

Bed rest and pray! Npka powerful ng prayer! I also had subchronic hemorrhage and preterm labor during my 1st and 2nd tri. Pero by the grace of God nagging ok ako at baby ko

Follow nyo lang po advise ng ob nyo po.. ganyan din po ako nong 1st trimester, nka duphaston din po ako non at bedrest, wag rin po kau gumawa ng mabibigat at mahirap na gawain..