Live N Partner ko at si Ex nya😥

Hello po mga mommy, this is my first time to share about sa situation ko, I am 2 months preggy😥 its sad to say na di pa kami kasal kasi kasal sya sa unang asawa nya, may anak sya 14 years old, tanggap ko naman at wala akong problema don, kailan ko lang pala nalaman na kasal sya nong buntis na ako sa kanya,di nya lang inamin sa akin noon nung una, napilitan lang syang umamin ng mismo nakita ko yung facebook account ng ex nya na nakalagay pa mismo sa profile name yung apelyido ng LIP ko, sa madaling salita gamit gamit pa ng ex nya apelyido nya, matagal na silang hiwalay ng asawa nya (10 years na) Okay naman LIP ko kasi mabait sya sa akin, binibigay nya lahat ng gusto kong kainin, wala kaming problema sa relasyon namin ng LIP ko, ewan ko ba kapag nababanggit ng anak nya yung mama nya, nasasaktan ako, minsan tinatopic nila na as if wala ako sa harap nila😥, minsan napapatanong ko parang gusto pang makipag balikan ng ex nya sa knya kasi kung hiwalay na sila, for what pa para gamitin yung apelyido nya, tapos sa tuwing susunduin namin yung anak nya, kasama lagi yung mama nya, at parang laging nagpapacute at nagpapapansin sa LIP ko, sinasadya nyang lumapit lapit sa LIP ko, hinahayaan ko na lang, oo masakit kasi di naman ako bobo para di ko maintindihan kung anong purpose nya, at minsan naiisip ko wala naman akong right na magreklamo sa LIP ko kasi di naman ako kasal di ko alam kung anong dapat kong gawin, nasasaktan ako😥 naiisip ko para akong sampid, kung alam ko lang noon, kung inamin nyamlang sana sa akin noon na kasal sya di sana umabot sa ganito, pero di ko naman pinagsisisihan na nabuntis ako, eto na to eh, tanggap ko at mahal ko nasa sinapupunan ko, di ko lang gusto na yung pinapakita ng ex nya sa akin😥 may karapatan ba ako??

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ito ang masasabi ko sis 1. Tagal na nilang hiwalay 10yrs na naka move on na LIP mo. 2. Hnd ko gusto na magsinungaling LIP mo na kasal pala sya, tssk tama ka nanydan na buntis ka na eh buti tinaggap mo sya kasi kung ako ikaw nakipag hiwalay na ako sknya kasi ayaoko sa mga lalaking sinungaling eh. 3. Hnd ka makakafeel ng insecurities if may assurance ka from your LIP. He should make u feel na ikaw kang mahal nya at wla na sknya ung wife nya. 4. since bago mo lang nalaman, Kausapin mo mabuti LIP mo at magset sya bounderies sa ex wife nya kasi kamu hnd mo gusto na prang papansin ung ex wife. wala naman masama maging honest kasi dyan mo din malalaman sis if may care sya sa feelings mo if ever na prang inignore ka nya then mag isip ka na. Bkt ba sila naghiwalay? 5. Mas mainam na mag file sya ng annulment sa ex wife nya pra tlagang legal sila magkahiwalay na. Make sure mo din na magiging beneficiary nya ang baby nyo.

Đọc thêm
2y trước

sobrang salamat po😥 gagawin ko po yan, kakausapin ko po sya, kung ano ba talaga..kasi ako lang din po nahihirapan, salamat po