off topic

hi, I just want to share po my situation with the father of my baby. I am now 20 weeks pregnant. Nung first time na nalaman kong buntis ako, nalaman ko rin na dati na palang kasal sa iba yung partner ko which is the father of my baby. Ang sakit. SOBRA. Sabi ko sa kanya, bakit hindi nya agad sinabi sa akin nung una pa lang. Natatakot daw sya na iwan ko sya. I dont know kung mangyayari. Siguro? pero nung umiiyak na ako sa harap nya. Nakita ko rin kung gano kasakit sa kanya na makitang nasasaktan ako. Ang hirap. Alam kong hindi lang ako ang may situation na ganito. Pero bandang huli, tinanggap ko pa din sya. Matagal na silang hiwalay ng dati nyang asawa bago pa man kami magkakilala, hindi nga lang legal ang paghihiwalay nila. May anak sila, nabuntis nya yung babae ng hindi nya alam. kaya sila ipinakasal nung magulang ng babae. everytime na maiisip kong wala akong karapatan sa kanya. Ang SAKIT SAKIT. kahit pa lagi nyang sinasabi na hindi nya ako iiwan. Ramdam ko naman eh. na totoo yun. Kaso, kulang talaga. Sa ngayon, pinaghihiwalay muna kami ng papa ko. Nung sinabi yun ni Papa ko, umiyak sya sa harapan ng magulang ko. Alam kong sobrang sakit nun para sa kanya. Knowing na pinalayas sya ng magulang ng dati nyang asawa kaya hindi nya nakakasama yung una nyang anak. tapos ngayon, parang mauulit yung nangyari. Sinabi pa nya sa akin noon, PAANO NA LANG AKO PAG WALA KA NA? Pero para kay baby, nagpapakatatag kami. Magtitiis kami kahit gaano kasakit. Hanggang sa maging legal yung pagasasama namin. Sana, dumating yung panahon na maging maayos na ang lahat sa kanya. Mahal na mahal namin ang isa't isa. Nakita yun ng magulang ko. Kaso lang talaga, hindi kami pwedeng masama.

19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

I believe that's the best decision. If the guy really loves you, he needs to do everything to make the separation(first wife) to be legal. It is best to start your relationship with God's blessing.it may not be now but even if it's later, it's worth the wait.

Bakit naman di kayo puedeng magsama? You are both adults who are capable of deciding for yourselves. Puede kayong magsama, hindi lang kayo puedeng magpakasal until such time na ma annul yung first marriage.

partner ko naman sis...exgf nya un nbuntis nya nuon di sila kasal,late kuna din nalaman my anak sya sa exgf nya un gumuho tlaga gnyan din sabi,bka daw pg snabi nya ng maaga sa akin bka iwan ko daw sya...

5y trước

Big check. Partner ko exgf nya din ung nabuntis at live in sila noon, umpisa palang sinabi na nya agad yan sakin. At tuloy pa nga dn sustento nya sa anak nya eh. Matagal na sila hiwalay. At ngayon may baby na kami, at plan na dn magpakasal.

Thành viên VIP

Asikasuhin nalang niya agad ung kasal sis.. Habang magkahiwalay kau.. Kasi. Kht matagal na silang hiwalay kung dumating ung time na maisip nung wife nya na idemnda kau kayang kaya niya gawin

Pwede naman kayo magsama as long as good terms yung hiwalayan nila ni legal.. Kaso baka mag conflict if malaman na buntis ka kasi dun na siguro sila mangingialam dahil sa suporta.

Pede naman kayong magsama eh hiwalay naman na sila ng asawa nia,,bakit hindi pede?,,di lang kayo pedeng magpakasal,,

Just focus on ur baby first mommy. Bawal ka po mastress marramdaman un ni baby mo. Malalagpasan mo dn yan pray ka po lage.

5y trước

Hala stress din ako 😭😭😭 35 weeks

Sana una pa lang nagsabi na sya ng totoo sayo. Stay strong girl.

Thành viên VIP

😭 be strong mommy