,,
Hello. Pa rant lang. Im so sorry. Hindi ko lang alam kung saan ko pa to ilalabas. I just found out minutes ago that my partner is cheating on me.. Hindi kami kasal. 3 years on off relationship. Umokay kami nung nalaman namin na buntis ako. Babaero sya ever since. Ako, tanga. Lagi akong naniniwala na may chance pa sya magbago. Ewan ko. Ang laki talaga ng tiwala ko na mababago ko siya. Nung nalaman ko na buntis ako, hindi kami okay. That time, alam kong mah iba sya. Pero i found it unfair not to tell him. At the end of day, sya pa rin ang tatay. Kaya sinabi ko. Pero may disclaimer, sabi ko hindi ko sa kanya pinapaako nor pinaparesponsable sa bata. Gusto ko lang alam niya. Pero binalikan nya ako. And since then sabi ko nga okay kami. Tho may lapses minsan. Nakakaya ko pang iignore. Kaso lately, bumalik na naman yung dati. Nalaman ko na may pangalawang fb sya. Yung first ay may access ako. Nakikita ko dun lahat. Same with him, alam nya ang accounts ko. Nung nalaman ko yung about sa 2nd fb, dineny nya. Sabi mya matagal na raw yun at idedelete nya na lang. I know he was lying pero sabi ko sige. Basta idelete. Secondly, madalang na sya umuwi sa bahay. Dati bago ako mabuntis, halos araw araw sya sa bahay namin. Pagtapos ng work, dito na sya magsstay sa amin. Kaso ayun nga, these past few months, dumadalang na hanggang sa lilipas ang dalawa o tatlong araw, hindi sya uuwi. Kesho ginabi sa work, malakas ang ulan, napainom with barkada ng medyo late or uuwi sa kanila sa bulacan which is di nya halos ginagawa dati. Nagrereklamo ako pero wala akong magawa. I let it go. Kaso ito nga, may usapan kami na uuwi sya ngayong linggo para makumpleto na namin ang gamit ni baby. 9 months na ako, nakakaramdam na ng kung anu ano. Sabi ko need na namin ma complete things nya para manganak man ako anytime, may magagamit na sya. I waited the whole day, walang dumating. I kept calling him, walang sumasagot. Hanggang sa maisip kong buksan yung pangalawang account na naka link sa phone number ng step dad nya. Buti na lang gising pa si Tito. Nabuksan ko yung fb. Dun ko na nakita lahat. Chat logs ng mga babaeng chinachat nya. Inaaua nyang makipagkita o makainuman. Mga finifling nya. Sobrang dami. Triny kong isecure yung account para maaccess ko pa kaao nalaman nya yata. Na lock yung account, di ko na maaccess. But it dpesnt really matter anymore. I already saw it. Nasa utak ko na, hindi na mabura. Ang sakit sakit. Hindi ko mawari kung manganganak na ba ko dahil biglang sakit ng puson ko or dala lang ng emotions ko. I am 2, 3 4 weeks away from giving birth, saka pa ito nangyari. Hindi pa lumalabas yung anak namin, broken family na kami. Ang sabi ko pa dati, ayaw ko sya matulad sa akin na walang tatay. Pero hindi ko rin kaya na lumaki siya sa ganung klaseng tatay. Nagchat ako sa mom nya about sa nangyari. As of the moment, nasa partner ko yung phone ko and yung atm ko. Pinapakuha ko na lang. Hindi ko na lang rin siguro iaapelyido yung bata sa kanya. I have a job, i know completely that i can take care of the child without his support. At di niya rin naman siguro deserve na magkaron pa ng part sa buhay ng baby ko. Hindi na rin ako nagmessage sa kanya. I just dont see the point to do so. Matic na sigurong tama na yun, dun na natapos. Sana tama tong mga pinag gagagawa ko. I was never the perfect girlfriend, live in partner or wife. I nag, childish ako at times, needy, i cant even cook. But i tried to be better for the baby and most especially sa kaniya. I always make sure na nauuna silang dalawa ng bata bago ako. I was never perfect but i tried my best. I dont deserve this. And sa mga babae na may maayos na relasyon, keep your man. Hindi lahat biniyayaan ng Diyos ng ganyan at hindi lahat kasing swerte nyo. At sa mga tulad ko na nasa same situation, im praying for you all. Sana malagpasan natin to.