Am I not enough?

Am I not enough? Am I not doing good as a mother? Ang hirap kapag hindi mo na mapatahan si baby kapagnagiging colicky sya. Nakakafrustrate kasi iisipin mo ikaw ang nanay nya pero bakit hindi mo sya mapatahan. Nanay ka nya pero bakit parang hindi mo kayang ibigay yung comfort na dapat nararamdaman nya sayo. Nanay ka nya pero bakit ibang tao nakakapagpatahan sa kanya? Colicky si baby pero masama bang ipacheck up sya? Normal lang daw na iyakin so nagiging O.A. ka lang ba bilang ina? Ang hirap. Btw mag 1 month palang si baby ko. May nakakaexperience ba ng gaya sa akin? Any advice po for colic baby (tbh ginagawa po namin lahat chinecheck namin sya nagbburp at utot naman). I pray na sana maging okay ba si baby ko at wala syang ibang iniindang sakit.

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

baby ko nga nanay ko ang nagkakarga before lalo n pag may kabag, sympre hindi ko alam yong mga ganun ... may kabag pala kaya iyak ng iyak..... tinitingnan ko pano ginagawa ng nanay ko..... noong una nakakaramdam ako ng ingit at sama ng loob kasi sa akin ayaw tumahan.... ilang beses din yon.. kaya ginawa ko pag naiiyak baby ko ginagawa ko lahat para mapatahan ko sya.... buti nanay ko hindi nman pakialamera sakin hinahayaan nya akong matuto mag alaga... nanay ko din nagpapaligo sa baby ko siguro hangang 2 or 3 months hindi ko p kasi alam natatakot p ako ako kaya observe lang muna.. pero noong wala nanay ko ako n ng pagligo nagingat lang ako .. nawala n takot ko magpaligo hangang ngayon 11 months na baby ko ako na lahat 😂😂😂😂 nagpapatulong nalang ako sa pagkarga minsan kasi nakakapagod din.... normal lang tlga siguro yong ganyan pakiramdam..... pero kailangan positive lang.... as time goes by matutunan mo din lahat kailangan bonding lagi ng baby.... kung kaya mo ikaw gumawa lahat para sa baby mo para di mo mafeel yan.... kasi nakaka depress isipin n anak parang ayaw sayo. mother instinct palagi....

Đọc thêm
5y trước

Ganyan po talaga mommy, matututunan mo din yan as time goes by. :) ako po nun 4 months ko na napaliguan baby ko ng magisa MIL ko nagpapaligo 😅natatakot kase ako. Ngayon nga hindi ko alam kung ano gagawin ko sa second baby ko si MIL ko kase hindi na namen kasama sa bahay kelangan ko ng mag aral 😅 Insecurities lang naten yan as FTM just take your time to learn sa susunod madali nalang yan sayo 😁