Payat si baby

hello nga mi normal lang ba na mapayat si LO? turning 14 months na sya then almost 9kg lang timbang nya. magana naman sya kumain at dumede may AM din yung dede nya palagi. kaso super active nya always. naaano lang ako kasi laging sinasabi sakin ng mother ko at ng ibang tao na "ang payat ng baby mo pinapakain mo ba yan?" "inaalagaan mo ba ng maayos baby mo? bat ganyan namayat" aware naman po ako na nawal na ang baby fat nya kaya ganan tsaka dahil malikot na sya. di din naman sya sakitin kaya okay lang pero nakaka down na masabihan ka ng ganon knowing na ginagawa mo lahat para sa baby mo.

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Same situation tayo, Mi. Ang sabi naman ng pedia sa akin, kung masigla naman ang bata, aktibong naglalaro, makulit, may gana sa pagkain, at malakas dumede, nothing to worry about po. Baka hindi lang talaga tabain ang lahi niyo. Gano’n din kasi ang asawa ko — hindi tabain ang lahi nila. Ako lang talaga ang tabain, haha! Kamukha kasi ng asawa ko ang anak namin, halos lahat copy-paste. Ganyan din po ang nararamdaman ko — bakit parang hindi tumataba ang anak. Pero pasalamat pa rin tayo dahil maayos at healthy ang anak natin. Hindi naman tayo nakikipagkumpitensya sa iba. Our babies are unique in different ways. Hayaan na lang po natin ang sinasabi ng iba. Ganyan po talaga ang mga tao — laging may masasabi, kahit anong gawin mo. Masakit man minsan, pero tanggapin na lang natin. Ang mahalaga, andito tayo bilang magulang sa mga anak natin

Đọc thêm
3t trước

same kay baby mi 15 mons 10kg lang pero sobrang active at matakaw naman. Dahil nga siguro hindi kami tabain pati partner ko.

yung anak ko mie mag 15 months na 10kg lang ang timbang nya. Di kasi sya nadede ng formula milk pero kumakain naman sya kaso mabagal lang talaga.

appropriate naman weight niya sa age niya

Ayan mga mi

Post reply image