How do you forgive a cheating husband?

Hindi naman kailangan kagad ibigay mo yung forgiveness na dapat sakanya. Hindi yun talaga nabibigay overnight. Pwedeng magusap kayo or magkausap kayo at magsama pa ngayon ng talagang civil lang. Pero madaling magpatawad kung nakikitaan mo ng pagsisisi at willing talagang magbago ang husband mo after niya iadmit lahat ng kasalanan niya. Makikita mo naman yun kung nageeffort siyang bumawi at itama lahat ng yun. Plus, madaling magpatawad at makalimot kung sasamahan ng tiwala kay Lord. Kailangan mong iaccept ang lahat kahit na sobrang hirap at talagang mapapatanong ka kung bakit nangyari yun. Kailangan matatag kang harapin lahat ng pain, kailangan wag kang papadala sa takot at sakit. Kung may anak kayo, sa anak mo ikaw kumuha ng lakas panay, it helps a lot. Di mo kailangan madaliin lahat. It really takes time to heal, to forgive and to forget. Pray ka kay Lord for healing and guidance tapos pagpray mo din yung husband mo to see the light and the right path. Kaya mo yan mommy. Naniniwala ako sayo. Been there, done that.
Đọc thêm