How do you forgive a cheating husband?

Before you ask if how you can forgive, ask yourself first, humingi ba ng tawad? Mahirap naman kasi yung papatawarin mo yung taong di naman in-admit yung pagkakamali nila, di marunong mag own up sa kasalanan nila at walang remorse o pagsisisi sa nagawa nilang mali. Bago mo patawarin, sana makita mo muna yung mga nauna kong nabanggit then after, sana magbago muna sya. Ipakita muna nyang worth it sya sa 2nd chance na ibibigay mo. Dapat makita mo yung sincerity nya na magbago at itama yung mga mali nya. Magiging sobrang hirap ng journey nyo na yan, swear pero once nalagpasan nyo marerealize mo ring pinatatag din kayo ng sitwasyon. Sa panahon na'to, maging strong ka mamsh kasi alam kong super hirap ng pinagdadaanan mo, bangungot talaga once nagcheat ang partner lalo na kapag mag-asawa na kayo. Pray pray pray din. Pray for healing and acceptance. Hingi ng wisdom kay Lord. 🙏🙏🙏
Đọc thêm
Super Mom of Two Cuties