Pa vent out lang stress at 35 weeks
Hindi nmn Tama na sigaw sigawan ka ng asawa mo Diba. I'm 8 months pregnant and napakaselosa ko all through out this pregnancy. Working home si hubby and naririnig ko how he talks differently pag boy and girl ang kausap. It annoys me, na feel ko na nag papa cute sya or something, and then makikita ko yung girl maganda. Dun talaga nag trigger Yung jealousy ko, and sinasabihan ko sya na napakalandi nya. And then last Wednesday night he talks to this girl ulet and Yun I posted something about being financially independent and never beg for financial support. Then nagalit at nagwala sya like hinampas nya yung desk nya yung keyboard and headset nya at sinigaw sigawan nya ko. D na ko nag salita and hinayaan ko nlng sya. He said lagi nlng ako ganun, halos lahat pinagseselosan ko. Hindi ako ang klase ng Tao na mag sisigaw kapag nagagalit. I find it to scandalous, yung buong kapitbahay makakarinig ng away mo. Ngayun Hindi ko sya talaga kinikibo Hindi ko nakalimutan na sinigaw sigawan nya ko, my hubby is may pagka violent. Last time we fight binalibag nya yung electric fan sa harap ko. Then my one time din na umalis sya. Like nag layas sya at 12 midnight pero umuwi lang din sya dahil Hindi sya sinundo ng kuya nya. I'm currently pregnant na that time. Yung sinigaw sigawan nya ko ang Di ko mawala sa isip ko. Walang gumawa pa sakin ng ganun not even my parents. So pag naisip ko nanagalit ako. The fact nakaya nya yung gawin sakin what more if mas malala pa yung away nmin and mag sisigaw din ako Baka samplin nlng nya ako or suntukin Diba. Ayoko mag pastress Kasi malapit na ko manganak pero stress magnetic ata talaga ko Kasi all throughout this pregnancy stress ako and main source Ng stress ko ay asawa ko and family side nya dahil utang ng utang ( it's another story) Hays I pray nlng talaga Kay Lord na okay si baby ko and healthy sya and maging safe and delivery Namin. Thank you for reading. #1stimemom #marriedlife
Finally enjoying selfless motherhood ❤