Walang tiwala

Help me mga mommies anong dapat kong gawin para pagkatiwalaan ko asawa ko. Puro duda at hinala ako pero may basis namin yun nga lang mga maliliit na bagay lang. LDR kami ng asawa ko sundalo siya. Ewan ko ba hirap na hirap na ako pagkatiwalaan siya. Everytime na mag aaway kami reg.sa trust lagi sasabihin eh kung gawin ko na kaya talaga? Na depress na ako kakaisip sa mga ginagawa niya. Nag aadd siya ng mga babaeng taga lugar sa destino niya,mga teacher,kapwa niya pulis sundalo at chinanat niya pa. Sabi niya wala lang daw yun friends lang. Di ako naniniwala,wala akong tiwala!!. Di ako makatulog kakaisip. Tinatawagan ko siya busy ang line,nagalit ako kasi pag busy tone may kausap yang iba diba mga mommies,sabi wala daw signal. Ewan ko gulong gulo na ako. Wag niyo ko ibash gusto ko lang ng advice pano ba MAGTIWALA sa taong di katiwa tiwala ang mga ginagawa😭😭 May 9mos old baby kami na mahal na mahal niya kaya di niya ako magawag iwan

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

may nafefeel ka malakas kasi radar mo kaya wala kang tiwala always remember instinct natin mga tao na nag titiwala kung katiwatiwala so bale sa case nyo ng asawa mo nafefeel mo kasi kalokohan nya kaya wala kang tiwala at ugali din naman nila idedeny yun since ayaw nila ng away.

Sorry ha pero medyo harsh to. Kung kasal kayo, bakit ka nagpakasal kung wala ka palang tiwala? Ngayon, the question is bakit wala kang tiwala? Imposibleng walang dahilan yan