Blessings!
Hanggang ngayon nagsisink-in parin sakin yung nangyari.. Nag.plano na kami magkaanak ni husband, God knows kung gaano kasabik kami mag.asawa na magkaanak.. Pero bakit ganun? Ang hirap-hirap ibigay samin yung chance na magkaroon ng tunay na pamilya.. May sariling anak na matatawag. May baby aayusan, may baby paliliguan. ? Bakit may mga taong nabubuntis na hindi pa handa. Bakit kami na handa na magkaanak hindi mabiyayaan? Dumating narin sa punto nag.assume at nadisapoint asawa ko.. Sobrang sakit at sobrang hirap. Isa lang naman ang hinihiling namin mag.asawa, yung blessing na isang araw dumating na samin. ?
Wag nyo po sana madaliin sis ang expected na hinihiling nyo po kay god. May mga bagay tlga na mas maaga binibigay ni god dhil bawat bigay at hindi pa nya ibinibigay may kadahilanan. Wag po kau sna mag isip ng hndi maganda lalo na po sknya kung gusto nyo po tlga mag kaanak ng husband mo kailangan nyo lang po ng mas malakas na pananampalataya at tiwala kay god na ibibigay nya din po yan pagdting ng araw. Nangyari na po saamin yan ng husband ko always positive lng ako kay god at may malaking tiwala ako tlga sknya na ibibigay nya din smin yan pagdting ng araw. Kahit sobrang dami na naming nabiling PT na puro nag negative hindi ako nawalan ng pag asa inisip ko nlang imbis madisapointed ka patuloy ko prin sya pinaniniwalaan. Then pagkatpos ng 3years anniv namin ng march 23 di ko inexpect na di na ko dadatnan ng april dhil isa din po ako hirap magbuntis dhil irregular ang mens ko. Nag pt ako un na ung panghuling pt ko sa loob ng anim na pt na puro nag negative lang. Habang ako nagppt hndi ko inisip na mag negative sya nagpray muna ako nun bago ko lagyan ng ihi ang pt ko kinausap ko si god na kayo na po bahala panginoon ko kahit mag negative po sya hndi pdin ako susuko at madidismaya. Patuloy pdin ako magtitiwala sa kakayahan mo. Nung itinulo kona ang ihi ko sa pt mga 2or3mins bigla na po sya nag positive at sobrang saya ko po nun at di makapaniwala kahit si husband ko po😊 worth it po ang aming paghihintay at malakas na pananampalataya sknya😊 ibinigay nya smin ung plaging hinihiling nmin na magkababy kmi at super thankful tlga ako dhil plagi nya ako pinakikinggan araw araw ng aking pagdarasal at pangungulit sknya😊 till now po hndi po ako nwawalan ng pag asa dhil po hndi ibig sbhin na ibinigay na nya ay mag stop ka sknya magpray at magpasalamat. Kya super blessed po tlga ang dumating saaming mag asawa kahit hndi pa kmi kasal naniniwala ako sa journey ng aming pag sasama ksama nmin si lord at hndi kmi pababayaan. Marami pang araw na pwede nmin gawin lahat ng hndi pa nmin nagagawa khit magkakababy na kmi. Naniniwala prin ako na kahit dumating man ung araw na mahirapan kmi at magkaroon ng isang matinding pagsubok sa buhay. Alam kong hndi nya pdin kami pabbayaan. Lakas nyo lang po pananampalataya nyo sis. Ibibigay nya din po yan hndi man ngaun malay nyo po sa susunod na araw buwan at taon bsta kailangan nyo pong gwin ang maghintay at wag mag isip ng hndi maganda kay lord. Share ko lng po ung aking karanasan 😊 now im 10weeks pregnant na po 😊
Đọc thêmpray lang, asa tamang oras pa lahat yan, ganyan din kami non 3 yrs na kaming kasal pero wala pading anak, lahat triny nanamen hilot, gamot wala, may cyst kasi ako sa left ovary, so mahihirapan talaga daw kami, nag kakawalang pag asa nadin yung every month nag pt pero negative hanggang sa hinayaan nalang namen kung darating salamat pero kung hindi salamat padin, then laast yr lang nabuntis nko. minsan kapag pinaubaya mo nalang kay God, mangyayare talaga, 35 weeks pregnant nako ngayon then ang good news la is bigla nalang nawala yung cyst ko, naarelize ko din nung mga panahong di ako nabubuntis may mga dapat pa unahin, nag kakaso hubby ko pero before ako nabuntis, nagkaareglo na, after nag kabahay kami muna ni hubby tas sasakyan then na promote pako sa work parehas nakming regular sa work. naisip ko kung nabuntis sguro ako nung na wala muna lahat nang achievement baka mahirapan kami. In Gods perfect time sabi nga nila, kaya pray kalang darating din yan 😇
Đọc thêmInspiring! Thank you so much sis..
Kami rin ganyan. Ilang years na kami nagsasama ng mister ko hanggang sa kinasal kami, di parin kami nabibigyan. Dumating sa point na inaaaway ko pa si mister, tas everytime na nag ppray ako halos humahagolgol ako ng iyak. Lagi kong tanong kung bakit di kami nabibiyayaan. Hanggang sa di nako umasa. Everytime na may nakikita akong buntis sobrang inggit na inggit ko, pag may nakikita akong baby lagi kong sinasabi 'ako kaya kailan ako magkakaroon ng baby?' Then nagpa alaga ako sa OB, tapos everyday nag tetake ng folic acid, after 4months unexpected biglang dumating yung blessings samin, nabuntis ako. Yung dream ko na magka baby nagkatotoo na. Mister ko nga ayaw maniwala eh, di namin inexpect. Pag talaga time na at alam ni God na ready kana aa responsibilities ibibigay at ibibigay nya. Basta pray lang lagi. Wag mawawalan ng pag asa. 23 weeks preggy nako 😊
Đọc thêmWow.. Congrats sis! Ako din naman pinagtetake nako ni OB ngayon ng folic acid, kahit dipa ko buntis. Sabi niya uminom daw ako..
wag ka mawalan ng pag asa sis, ganyan din kami dati ng asawa ko, 3 yrs na kaming kasal pero di parin kami nag kaka baby kz ofw xa at once a yr lang xa umuuwi ng pinas. march 2018 nag bakasyon ako sa NZ nag baka kasakaling dun kami makaka buo, at april buntis na ako, dahil 2 moths visit lang ako dun umuwi ako ng pinas ng may, at we found out na blighted ovum yung pinag bubuntis ko, so na D&C ako ng june. but i never questioned God kung bakit ganon. inisip ko nalang na may mas better na ibibigay samin c God. i thank God and i worship Him kung ano man yung nangyari sa pinag bubuntis ko. November 2018, pinayagan mag bakasyon ng 2 weeks yung asawa ko dito sa pinas. and glory to God. by december di na ako dinatnan, as of now 29 weeks pregnant na ako. God have better plan for you [Jer. 29:11] just pray, believe, and receive [Mark 24:11] God bless you and your husband
Đọc thêmthank you sis
Kami din ganyan na ganyan din nung una. Tinanggap na nga nmin na baka kami lang talaga sa habang buhay ng mr.ko. ang sakit pag false alarm na akala mo merun na pero wala padin. Kaya nga ang sabi nmin ok lang pag wala, pero mas ok pag merun antayin nalang if may ibi2gay c God O wala ok lang din. Hanggang sa 10 years na kami at sa di inaasahang pagkakataon dku alam na may baby na pala sa tyan ko 6 mos ko pa xa nalaman na anjan na xa! Grabeh wala akung mga pinagdaanan gaya ng buntis pero yung mr.ko laging masama ang pakiramdam at nagpapa checkup pa nga pero ako sinasamahan ko lang xa. Ok nman ako kaya never ako nagpa checkup. Hanggang nag pt ako lumaki mata ko sa positive na resulta. Shocked at pangamba na fee feel ko nun kc d ako makapaniwala. Hanggang sa ngaun nag iingat nadin may soon baby nadin kami. God is so good all the time, tiwala lang.
Đọc thêmThanks
Kami din ni hubby ko trying again i had my miscarriage last april 2018 & till now trying & praying padin na sana ibigay na ni Lord ang big blessing samin.mag pa check ka sis sa ob & urologist baka isa sa inyo may problem need nyo muna ksi ayusin kung may problem isa sa inyo at palakasin yung katawan like samin ng husband ko nalaman namin na yung sperm nya is hindi enough para makabuo kami ng baby.madami process hindi sya ganun kadali lalo na sa bulsa pero kung para sa ikakasaya at ikukumpleto namin as family very worth it sya..try nyo muna mag consult para alam nyo kung saan yung mali at kulang para maayos.More parayers at tiwala lang kay Lord nothing is impossible with him..kapit lang..
Đọc thêmThank you so much sis..
Alm mo sis nakunan ako nitong may 31 ang sakit kasi ang tagal din namin hinintay ng asawa ko yun kung gano namin katagal hinintay ganun sya kabilis nawala sa amin pero alam ko na may plano na mas better si Lord kaya ngyari un im still positive.. Kasi alm ko na mas better yung kapalit wag mawalan ng pag asa sis PUSH LANG Pray Until Something Happen.. God bless you..nextime na mag popost ka for sure may baby kna..😊my baby na tayong paparating..just claim it..
Đọc thêmGod bless sissy😊😊
Sis wag ka masad, be strong and have Faith kay Lord. Kapag hnd pa.talaga oras hnd pa.tlga ibbgy kahit anung pilit natin. Kami ni husband 6 yrs and half na mahigit bago iblessed now, unexpected na preggy na ako. Ibbgy yan sa inyo in God's Perfect time. For now try to enjoy ung moment na kau lang muna ni husband u, then create a happy memories together para makapagcreate kau ng happy hormones. Then start kau healthy lifestyle, healthy food.
Đọc thêmKami sis dumaan din kami sa ganyan. First 3 years of marriage, dami takot ko kc ung pkrmdm na hnd ko mabigyan anak husband ko, bka ipagpalit ako... tpos tuwing magpt ako always negative. Kitang kita ko sadness sa mukha ng husband ko na umaasa na preggy na.kya always mainit ulo din. Then unti unti nilabanan ko ung pkrmdm na un. 5 yrs ako nagpa check sa ob kc nga PCOS ako. Then 2018 sb ko chill lang muna kami...enjoy lang... then healthy diet...then 2019 super blessed. Unbelievable pero nag Positive na PT ko month of April sa ultrasound ko 3months and 2weeks na pala wala kaming kamalay malay. It Will happen din sa inyo. Have Faith.
Gaano na po ba kayo katagal naghihintay? Usually kasi 6 months to 1 year nabubuntis na. Pero kapag may fertility problems kayo which is malalaman nyo lang pag nagpaconsult kayo sa urologist at obgyne. For me kasi may pcos ako. What we plan is to visit my OB on the last quarter and do what they ask us to do. Pero thankfully bigla naman dumating si baby. Im praying kayo din one day.
Đọc thêmkapit lang sis....enjoy nio nlng mna ng hubby mu ung time nio sa isa'tisa.....in god's perfect time darating din ung hinihiling nio.....at wag na wag ka mawawalan ng pag asa...ganyan din kmi ni hubby nuon....pro after 10yrs ayun nabiyayaan na kmi ni hubby...kya wag ka mawalan ng pag asa...lagi ka lang sis mag pray....
Đọc thêm
mommy of One Quinn