No Heart Beat
Guys, please help me. Ngpacheck up po ako via trans v ultrasound. 6weeks 4days AOG .wala pa dw po heart beat baby ko . Pinapabalik po ako after 1 week. My pagasa pa po ba. Nstress po ako ?
Hi mommy, ako po 4 weeks preggy ako nung nalaman ko. Wala pa daw po heartbeat, pinabalik po ako pagka 8 weeks ko, wala padin po. Pagka 12 weeks po dun pa nagka heartbeat. ☺️ Pray kalang mommy, nakaka kaba talaga pero worth it pag narinig nyo na po sya. 💖
Early pregnancy po yan, I had the same situation with my baby. Pagbalik mo after 2-3weeks makikita na heartbeat niya. Iwasang mastress, maaapektuhan baby mo. Eat healthy and inumin mo ang niresta ng OB mo. Congrats in advance!
Yes po wag kau magpastress magkaka heart beat si baby pagbalik mo, eat fruits and veggies tsaka po gatas.. para po lumakas heart beat ni baby.. ganyan din po kasi ako nun, masyado pa early kaya mejo mahina heart beat po
same here mamsh. Nagpa transV ako 4weeks wala pa heartbeat at hindi pa sya makita. Babalik ako sa OB ko Feb. 23 para sa 2nd checkup. sana may heartbeat na sya. Grabe morning sickness ko kaya im praying na Ok sya.
depnde mommy .. merong maaga plang my hb na. ako po sakto 8weeks ngpa check up may hb na. wag ka po mg worry my 7,8,9,10,11,12 weeks pa mgkaka hb din yan .. msyado padin kc maaga mommy. pray lang ..
same sakin 6weeks pregnant din ako wala pa heart beat na nakita ob ko pinapabalik ako after 3weeks para sure na makita na Ako kasi nag spotting kaya kinakabahan din ako pray nalang po tayo sis🙏
Possible na late nag develop si baby. Observe nyo lang if mag spotting kayo or merong feeling na malalaglag. Balik kayo after 2 weeks na siguro para mas sure. Ako 9 weeks na nagpa transV
pero ung paglilihi andun parin ung pgbigat ng dede pgdduwal at pag ihi madalas andun parin ba???kasi ako nun gnyn din nung unang checkup ko maaga pa para madtect wla p ksi 1month nun tapos mga 2months na dpat meron na eh wla d rin lumaki baby wla daw development mgpasecond opinion daw ako ginawa ko ganun din pinabalik balik ako ng weekly para icheck kung meron wla parin un pla silent miscarriage daw ung ngyari s akin tapos s baby ang twag ng iba nabugok daw parang s itlog ung hnd n buo.sana d k matulad s akin wlang gbi n hnd ko iniiyakan ung ngyarin n yan s akin kala ko mabbuntis n ako after 12yrs pero hnd pla ...pero awa ng diyos nbuntis ulit ako after 3months may heartbeat n xa 6weeks meron na hnggang s 8weeks meron parin ngyon 3months n ako dp ako nkkpgpacheckup at sarado mga clinic.
7 weeks unang trans V q.. gestational sac plng .. nag worry din aq nung una.. pro pagbalik q after 2 weeks.. embryo n sya at may heartbeat n din.. pray lng momsh! 😊🙏
normal lang yan mommy.. wag mong stressin sarili mo.. kausapin mo po si baby sa tummy mo.. then more on pray kay God.. nothing is impossible🤗 virtual hug mommy
Ako po 6 weeks may HB na. Pero may ganyan po talagang mga nagbbuntis minsan late po ang HB bago makita. Dont be worry mommy. 🤗