RANT

Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob sa pamilya ko. Himdi sa mga magulang ko kung sa mga kapatid ng papa ko, sinabi ko sa parents ko na buntis ako, malayo ako sa kanila kasi nagwowork ako as a call center rep. 1 week after kong sabihin, pumunta sila dito sa bahay kung saan kami nagsasama ng bf ko, pinaghandaan namin ng bongga ang pagdating nila. Mula sa tutulugan hanggang sa pagkain siniguro namin na maayos ang pagstay nila. Ngayon nagulat ako kasama nila yung dalawang tito ko, kapatid ng papa ko. (Btw, hiwalay sa asawa ang bf ko pero 2001 pa sila naghiwalay dahil nabuntis ng ibang lalake yung girl.) So pag dating nila dito gusto nilang iuwi ako sa probinsya at maghiwalay kami ng bf ko dahil nga daw kabit ako gusto nila ma annul muna bf ko kaso mahirap dahil nga ayaw makipag cooperate ng babae unless bibigyan sya ng 500k on top of the payment sa annulment, sabi ng bf ko mas gusto nya muna sanang pagtuunan ng pansin yung gastusin para sa magiging baby namin. Kaso etong mga tito ko na mga banal hinusgahan sya. Bakit sa manila daw bahay nila isa daw ba sya sa mga nakatira sa sulok sulok kung san maraming loko loko dahil nga tattooan sya. Sinagot nya naman na sa filinvest ang bahay nila ng mama nya pero di parin naniwala nanindigan silang sa itsura nya isa sya sa mga loko loko sa manila. Tinawanan pa sya nung sinabing hiwalay sila at nabuntis ng iba yung ex nya. Sabi pa sakin iuuwi na daw nila ako at nakaready na yung bahay na pagtataguan nila sakin, kung anak lang daw nila ako kanina pa nila ako sinaktan, buti nalang daw hindi sila nagkaanak ng babaeng kagaya ko, wala daw akong kwentang anak kasi mas pinipili kong kasama yung bf ko kesa sumama sa kanila. E putcha hindi ko planong itago ang anak ko, hindi ako nahihiya na nabuntis ako at gustong panindigan, hindi ako walang kwentang anak dahil lang gusto ko din ng buong pamilya ara sa anak ko, hindi ko din hihilingin na sila ang maging magulang ko. E mama at papa ko nga tinanggap desisyon ko, ang gusto lang nila makitang maayos ang kalagayan ko, pero sila puro side comments at panunuhol. Pruo pang mamata at pangmamaliit sa ibang tao na di naman nila kilala. Sabi pa ng tito ko kung mamamatay daw ang papa ko hindi na daw ako uuwi kasi ganun ako kasamang tao na ayaw kong sumama sa kanila, e puta ka gusto mo pa mamatay papa ko para lang matuwa kang may bagong sisisihin sa mga nangyayari sa magulang ko. Mga tito ko na magagaling nagdedesisyon para sakin na akala mo may mga ambag sa buhay ko o sa buhay namim ng mga magulang at kapatid ko. Gustong gusto kong tanungin kung nasaan sila nung nagugutom kaming buong pamilya dahil naghihirap na kami, asan ang ambag nila pag naoospital ang papa ko. E puro lang sila comment. Puro banggit na kasi sa religion namin bawal yang ganyan, so pwedeng manghusga at mang maliit ng tao? Bat kayo ang magdedesisyon? Buhay nyo ba ang buhay ko? Kahit minsan hindi ako pinabayaan ng taong minamaliit nyo, kayo ilang taon namin kayong kasama pero kahit minsan hindi nyo kami natulungan, natatawa pa kayong wala kaming makain at naghihirap. Ngayon kung makaarte kayo akala nyo kayo ang bumuhay sakin. Hexcuse me langggg

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I feel u dear. Lalo na sa case ko ako ung inaayawan ng pamilya ni partner dahil lang din sa may tattoo ako at malaki age gap namin. Balewala pala na stable ako, may diskarte na sa buhay at tapos sa pag aaral. May mga tao talagang ganyan. Masaklap pa eh ung mga kumakain pa ng "salita ng Dios".. Nasa pagkatao pala talaga yan. Kung tanggap ng parents mo ung nangyari sau, un nlng ang panghawakan mo. Makipag usap ka ulit sa parents mo ng wala ung mga asungot. ilahad mo ung lahat ng plano nyo ni hubby. For sure, magsasalita at magsasalita pa rin yang mga asungot in the future. Worst is manggugulo pa sa parents mo at manulsol. Sana lang d magpa apekto si papa mo. Baka lang kako mastress sya sa mga isusulsol ng mga tito mo.. Nakaka inis lang

Đọc thêm
5y trước

Mahirap talaga magkaroon ng perpektong kamag anak. Para sakin kasi hindi basehan ang itsura, tattoo o pinagdaanan ng tao ang pagiging responsable at mabuti. Nasa loob naman talaga yun. Ewan ko sa mga kamag anak ko ang tataas ng tingin sa sarili.

Thành viên VIP

Bayaan nyo po sila wala naman ambag yan mga yan sa buhay mo. Na try mo na ba barahin at sagutin yang mga yan para naman matauhan sila. Ang importante magkasundo kayo ng hubby mo at parents mo.