ANG SUSUNGIT NIYO 😶
Gusto ko lang ishare to (NABABASA KO KASI) pag may mga nagtatanong kung yung pregnancy test nila ay positive "positve na po ba?" "buntis na po ba talaga ako?" Oo at may instructions naman talaga nakasama, Pero naiisip niyo ba na kaya sila nagtatanong is yun yung way nila para iparating na Happy sila? Pwede naman iskip or wag na comment doon sa post nila kung ayaw niyo sagutin ng "yes it's a positive" lagpasan mo kung ayaw mo sagutin, Hindi yung may pasagot na pa balang.. Hindi kasi natin alam ang pinagdaanan nung tao or ilang taon bago siya makakuha ng ISA PANG RED LINE para mag positive or kung gaano nila katagal hinintay mag asawa ang mabuntis. Di ba mas masarap sa pakiramdam na maging masaya tayo sa tagumpay ng iba! Maaring sayo maliit na bagay pero sakanila biyaya ang dala. 😄Be sensitive din tayo minsan.. Good vibes lang ♥