DEPRESS :(
Grabe, 7 months na ako pero wala pa kaming nabibiling gamit ni baby :( Yung tatay naman niya di nagpupursige para kumita. Ako naman tong kahit malaki na ang tiya at hirap nang magkikilos sige lang sa trabaho.. Puro regrets na lang ang naiisip ko. Sana di nalang pala ako lumandi agad.. Hays.. Di pala talaga biro pag may pamilya na. Sana sumunod na lang ako sa mga magulang ko ?
Ako din nagwowork kahit 5months na tyan. Ako rin gumagastos sa lahat. Nililibre ko pa nga partner ko eh. And may ipon din ako 🤷 siguro kasi di ako ganun kagastos. Talagang yung mag ama ko ginagastusan ko. Siguro kung wala talaga maitulong yung tatay ng baby mo, better mag budget ka na lang. Wag puro labas ng labas ng pera lalo pag may mga bills ka. And mura lang naman manganak pag normal delivery lalo kung may philhealth ka naman. Ang quotation ng doctor ko is 350 lang ang abbayaran for birth certificate pag midwife nagpaanak. And hingi rin ng advice and tulong sa mga malapit sayo. Tapos tamang pagkausap sa husband mo :) kaya mo yan mommy. Kaya natin to :)
Đọc thêmMommy, ang mga gamit, puwedeng hiramin at bilihin. pero ang importante ay maging malusog kayo ni baby. yes talagang mahal magka-anak, kaya pagdating ni baby try to be wise with your decisions na. like magpurisige po tayo mag breastfeed kesa mag-formula dahil ang gatas ni nanay ay masustansya at libre pa. kapag formula, mahina na ang P1,000 per week na magagastos ninyo sa gatas pa lang. may diapers, bakuna, check up at iba pa. also bisita po tayo sa health center to discuss kung ano ang mga family planning method na akma sa inyo para hindi agad masundan si baby. don't lose hope, mommy. isipin na lang muna ang mga positive.
Đọc thêmI'm only 19 but my lip is already 24. 21 weeks preggy pero naguunti na kami ng gamit ni baby like hingi sa pinsan, kapatid or kahit kaibigan basta willing mag bigay tumatanggap lang kami. hindi naman kami hirap financially and independent din kami di kami naasa sa parents para sa pagbubuntis ko. pero mahirap pag lahat bago gamit ni baby talagang magastos. medyo kelangan mo nang gisingin sa katotohanan ang hubby mo na need na mag banat ng buto at di nasya binata 😊I'm also working kahit high risk pregnancy like ilang beses ng muntikan mawala si baby pero para kay baby work lang para makaipon to help hubby sa funds hehe.
Đọc thêmNanjan na yan. Kaya dapat mas tatagan mo pa loob mo, kay baby mo ikaw kumuha ng lakas ng loob para kayanin lahat. In the end magiging worth it lahat ng hirap mo. Kaya mo yan momsh. Di yan ibibigay ni Lord sayo kung alam niyang di mo kaya. Kapit ka lang Sakanya. Laging mong ipagpepray yung situation niyo at guidance niyo ni baby. Please stay strong!
Đọc thêmPag sisihan mo na lahat wag lang ang pagkakaroon at pagdating ng anghel na dinadala mo. Matatapos din lahat, sa umpisa lang mahirap pero makaka bwelo ka din or kayo 😊 Pareho tayo, kaibahan lang si hubby ang naging hard working. Nahihirapan den siya but still sa huli maiisip paden niya yung blessing na dumating.
Đọc thêmBaka my mga pinsan ka o tita na my mga baby before? Pwede ka naman manghiram nlng muna mga damit na di na nagagamit ng mga pamangkin mo kse malaki na. Tpos mommy kung nag wowork kpa dpat kada sahud mo bili ka ng mga needs ng baby ng pa isa isa lng. Pra dka mabigatan. Laban lng po tayo and pray always 💕🙏
Đọc thêmMommy same tayo. Feeling ko npka walang kwenta ng LIP ko kasi lahat ng pera nya sa pamilya nya nppnta. Pano nmn pamilya nya. Porket ba sumasahod din ako ng malaki sakin iaasa lhat ng sa pag bubuntis ko. Ngyyri kasi smn pag ubos na pera nya skn dn bagsak nya skn kmkha ng pera
God has the best plan for you Momshy Stay strong because God knows the plan for you, plan to prosper you & not to harm you, plans to give you hope & a future. Pray & always think positive Amazing diba there's a life inside our womb, kayang kaya mo yan... God Bless Momshh!
Đọc thêmAs in wala pong work si hubby? Omg. Big problem yan, mommy. Uwi ka na muna sa inyo. Yung imbes na ibibigay mong allowance ng jobless mony hubby eh ipangbili mo nalang ng gamit ni baby. Atleast sa inyo maaalagaan ka and di ka masyadong mapapagod.
Kami hindi talaga namili. Madami kami nakuha mga 2nd hand. Ok na din. Mas ok paghanadaan mga bakuna ng baby. Vitamins diapers etc.. ung hubby ko hindi naregular sa work. Pero laban lang. Matatapos din po yan lahat. Makakaraos din po 😊