Vissane may nag take ba sa inyo nito ?
Good morning po .new lang po ako dito . 1year na po akong nag papa breastfeed sa aking baby, premie baby emergency cs ,placenta previa , ask ko lang po sino nag take nito kasi yan po nireseta sa aking ng bago kong ob , nag pacheck up po kasi ako dahil ng ovarian cyst ko , inalis na po ito via emergency cs ,kasabay ng paglabas ng premie baby ko last year .. as per sa doctor na nag cs sa akin ay babalik pa daw po ito ,ngayon po ay may kaunting nakita na ang bago ko oby na natubo ulit na cyst , may implanon/implant din ako sa akin kanan braso , may spotting po ako na hindi nawawala , may endometriosis po ako pero hindi naman po sumasakit na dahil nakakatulong daw po ang implant ko , ngayon po natanong ko naman sa ob ko kung pwede po sa nag papadede ang gamot na yan , okay naman daw po .. pero may doubt po kasi ako gawa ng nabasa ko sa papel ng gamot at na search na not recommended po sa nag papa dede kasi parang nasama sya sa gatas? , gusto ko lang po malinawan ang aking isipan baka po may same case po ako dito kung sakali po nag woworry po kasi ako sa baby ko nadede sakin naka inum na po ako ng 2 tablets 2mg per tablet po ito pills type . Thank you po . 🙂