Mawawala lang ba ang Ovarian cyst kahit walang operasyon?
33weeks pregnant today, nung first utrasound ko 6weeks pregnant na ko may nakita silang ovarian cyst sa right ovary ko 2pcs. Sabi ni ob puwedi naman alisin yun kapag nanganak ako via cs. 2nd utrasound 19weeks preggy naging tatlo sila. 3rd ultrasound 33weeks di na nakita ovarian cyst ko. Tinanong ko sa naguultrasound sabi niya wala na daw siya nakita baka natabunan na ky baby kasi malaki na. Kpg nanganak ka follow up ka para sa ultrasound ulit. Araw ng ob check up ko, sabi ni ob nagkaroon daw ba ako ng ovarian cyst? public ospital po pala ako nagpapacheck up pero same ob parin ako. Ngayon sabi niya via normal ako manganganak, sa pagkakaintindi ko sa sinasabi niya, natanong ko kung hindi po ba ako puwedi magpa cs para malaman po kung andun nga pa rin cyst ko. Sabi ni ob hindi kami nag ccs ng bastat2 lang kasi wala nakami nakita sa ultrasound mo. Baka buksan ka namin wala na pala mga cyst mo. After mo manganak dun natin makikita sabi niya. Na stress ako bigla sa narinig ko. Natatakot ako baka may cyst pa ko tapos operation na naman. Sana wala na talaga cyst ko. Hindi naman nakukuha sa gamot ang cyst kailangan daw operation sabi ni ob. Mananalangin na lang ako na sana wala na talaga.🙏🙏🙏🙏