Pregnancy symptom

Good afternoon po mga mom's, ask ko lang po. Ano mga nararamdaman nyo nung di nyo pa alam na buntis po pala kayo? Hehehe 😊

42 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nananakit yung puson ko akala ko magkakaron nako tinatry ko pa nga umire araw araw e kasi nagtataka ako bakit di ako dinadatnan e masakit naman puson ko tapos nagkaron nako ng spot onti lang akala ko naman that time meron na kasi nga nagkaron ako ng spot e tas yung boobs ko masakit sobra but masakit namantalaga sya pag nagkakaron ako pero mas masakit yung naranasan ko non then ayun nanga kala mo may mero nako kasi may spot na then kinabukasan nagtataka ako wala sya? Edi sabi ko baka magkakakron na nga ako then. Mga ilang araw meron nanaman pero ang konti inantay ko maghapon walang lumabas tas nag Oo berthing nako tinry mo mag PT para sure na nga pero alam mo daiz yung kaba kahit dimo pa nakikita yung results sobrang nakakakaba talaga HAHAHAHAH dimo alam kung bakit ka kinabahan ng ganon e pero tinry ko paden mag PT tapos grabe biglang Positive jusko nagulat ako! Alam mo yung kaba ng dibdib mo? Halos marinig na ng katabi ko e HAHAH sa sobrang kaba na masaya ka ganon HAHAHAH di ako makapaniwala na mabubuntis pla ako thanks G! Skl experiences ko🤗

Đọc thêm

Ako po kasi nung time nayun dko papo alam na buntis ako nagbeach pako nun at nagpapagod tas naginum papo ako kasi dko po alam na buntis nako tas nung nagkatao na dapat yung araw na rereglahin nako di padin po sya dumadating walang signs padin tas after 2 weeks nagpt poko ng ilang beses lahat positive po tas sinula non nagpa ultrasound napo ako at sinula nung nabuntis ako mabilis nako hingalin at moody poko palagi. At thank god hindi nman poko ganon kaselan magbuntis :)

Đọc thêm

Grabe Yung cramps ko as in napaiyak na ako sa super sakit tapos pinakalma ako ng asawa ko. tapos wala ako lagi sa mood parang konting bagay inis ako, Tapos ngayon sobrang antukin ko na talaga halos buong araw na Kong tulog antok na antok pa din ako tapos nagtry ako magPT ayun positive sobrang saya lang Kasi 10 years na kami magkarelasyon ngayon 4 months married ang tagal na naman inaantay Thankyou Lord talaga 🙏😍👶🥰

Đọc thêm

akala ko magkakaroon nko kc masakut puson akala ko din may covid nako kasi mataas temp ko at iba lasa ng mga pork sakin pati coke, madalas hingalin at sobrang antukin yung tipong buong araw kna tulog aantukin kpa knagabihan maya maya gutom pero walang gana kumain 😅 napaisip ako nung na joke skin partner ko naglilihi kaba buntis ka?! lol after nun dna ko mapakali nag pt nko positive agad 🤣🤣

Đọc thêm

10 pcs ng gardenia in 1 day kaya ko ubusin super sakit ng boobs gusto ko manapak 😂 yung gutom hindi ko madescribe as in hindi ako nabubusog parang gusto ko pumunta sa planta ng gardenia at lumamon don ng lumamon.. inayawan ko ang carbonara na kaya kong kumaen kht araw araw noon

Đọc thêm

iba yung pagsusungit ko kumpara sa normal. tsaka kay lip lang ako masungit 😆 sabayan pa ng pagccrave ko sa apple mango na isasawsaw sa ice cream. kala ko normal lang na magkakaron nako kasi pag malapit nako magkaron may mga weird cravings din ako.

Influencer của TAP

- cramps na parang magkakaron - hingal and pagod doing my regular tasks - craving on one food. ang saya saya ko pag kumakain ng instant ramen with kimchi (jin ramen 😂 ). mga 2x a day pero hinahati ko lang ung 1 pack :)

Đọc thêm

I used to vape pero bigla kong di nagustuhan amoy nung nag vape asawa ko, tas nung one time nasa work ako parang di ako makahinga, tas sumuka ako ng umaga ayun confirm ang linaw ng pt ko positive 8 days delay.

2y trước

same tyo mommy.. nagvavape dn ako tas bglang isang araw hindi ko na gusto ung lasa, parang masusuka ako.. tas maya't maya kumukulo ung tyan ko.. ung kahit kakakain mo lang parang gutom ka na naman.. kala ko tuloy inuulcer ako

Thành viên VIP

galit na galit kay mister yan talaga palatandaan ko ung pati bata pagseselosan ko at mahina ako kumain suka ng suka nagyoyosi kase ako pagnawalan na ako ng panglasa sa yosi naku malamang na un haha

Influencer của TAP

1week cramps. Never ako nakaranas ng ganon kasakit na cramps. To the point na tinutulog ko sa sobrang sakit parang 8/10 then nag PT at nung nagpositive punta agad sa OB. Nag reseta ng pampakapit.