Constipated
FTM here po. Ask ko lang po kung may epekto sa baby yung hindi ko pagdumi araw araw sobrang nahihirapan po kase ko skaa ayoko po umire. Sobrang hirap ko po dumumi. Pasensya n po sa tanong. Thankyou po sa sasagot ❤
Toxins kase sa katawan naten yung feces na di naiilabas momsh. At kung iisipin mo... si baby andun lang din sa tummy mo. Mas okay na masosolo na lang ni baby yung space dun kesa sa hati pa sila ng tae diba? Kaya mas magandang makapagbawas ka pa din. Kain ka po ng ripe papaya at inum ka pong madameng tubig.
Đọc thêmApple with calamansi at manggang hinog, nakatulong po sa constipation ko. Side effect po kasi iyan ng iniinom nating vitamins. Para sakin kase normal na iyong every 2 days ako dudumi kasi ganoon talaga.
Ako po hirap din dumumi, pero pinipilit ko po ilabas pero dahan dahan lang din po, nung minsan gumamit pa ko baby oil para mailabas ko ung napakatigas na dumi ko, hirap na hirap ako, ang tagal ko sa banyo.
Ako din po ang tagal ko sa banyo 😔
same mamsh nung first trimester ko..medjo ngayon meron din...try nyo po mag eat ng fruits lage tska water... maganda rin ang milk sa umaga sakin kasi medjo lalambot sya tapos lakad2 before mag popo...
Salamat po
Wala pong epekto sa baby. Talagang common problem na yan ng mga preggy. Eat a lots of fruits and vegetables rich in fiber. Try mo din po sterilized effective kasi sakin yun tas drink lots of water.
Salamat po 😊
drink prune juice lalambot po ang stool mo.. constipated din ako before.. avaliable po prune juice sa Mercury drug 200 pesos lang po
yes po. kahit kalahating baso lang fruits naman po ang prune juice kaya safe po sya.. pero better ask ung OB before taking it..
me to 2 to 3 days lalabas din yan momi pag na pop kna wag lng siguro aabot ng 1week yakult every day tas more water
Kain ka ng mga gulay.. makakatulong yon sa pag poop araw araw at inom ka maraming water..
Ako minsan 2 to 3 days bago mag poop. Hinahantay ko nalang na lumabas takot ako umire
Momsh try nyo oatmeal saka fruits, lalo na avocado napapanahon.. works for me 😉