hi, ganyan din baby ko. 9 days sia sa NICU. sumuka pa sia dugo. Nung una ni-room in pa sia samen after ng delivery, CS din ako. then the next night after ko manganak i tried to wake her for feeding, then nakita ko me blood sa bibig nia, i thought galing sa breast ko so I checked, wala naman. ginising ko asawa ko para dalhin sa nurse si baby, binalik wala naman daw. then maya maya lumungad na sia ng blood, super dami pati poops nia. ngayon one month na sia, okay naman. super stressed ako nung nasa NICU sia. after 5 days, pinabreastfeed na saken. pero halos wala ko milk kasi puyat ako at stressed plus stressful din mga matatandang nurse sa public hospital na pinagdalhan namin dahil walang NICU sa hospital kung san ako nanganak. pipilitin ka magbrestfeed kahit na hirap na hirap ka na. thank God naging okay naman kami. after ko maCS, nasa hospital kami araw araw. sa labas lang kami ng NICU ng papa nia kasama ng ibang parents din na nagbabantay sa anak nila. imagine mo super sakit pa ng tahi ko pero sa hallway kami ng hospital halos buong magdamag. hanggang ngayon praning ako, konting kibot lang ng baby ko natataranta ko. si papa nia halos ayoko na papasukin kasi ayoko mag-isa sa gabi. night shift kasi si hubby ko. anyway, magiging okay din sana si baby mo. kung full term naman sia, malaki naman chance na maging okay.
cha