Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Enjoying being a mom
BABY DIAPER
Mga momies, my LO is 3mos old na. Nakita ko ito kagabi sa diaper niya nung pinalitan ko... is this normal? Twice ko pa lang nakita 'to and hindi naman every day. Thank you sa sasagot. Nagwo-worry kase ako, gusto ko siya dalhin sa pedia kaso wala pang means of transportation sa'min.
POOP NI BABY
Mga mommies, ask ko lang. Normal ba na hindi mag-poop si LO ng 2days? Ebf po kami and nag-worry ako kase kahapon hindi siya nag-poop pati ngayon, lagi naman puno diaper niya ng weewee. Nag-aalangan kase akong pumunta ng pedia since wala pang means of transportation sa'min due to ECQ. Salamat po sa sasagot!
CS
Mga mommies, na-CS ako last March 3... medyo tuyo na ang sugat ko and may advise na naman from my OB na pwede nang basain. Ilang weeks po ba pwedeng tanggalin ang binder? Tinanggal ko na kase 'yung sa'kin dahil sa init tapos nasusugat si baby dun sa pandikit na matalas pag pinapadede ko siya. Salamat sa sasagot!
GIGIL
Mga momsh, 'yung LO ko palagi siyang umiire or parang nag-iinat na namumula na siya at nauubo, minsan napapalungad na rin siya sobrang pag-ire pero di naman siya nag-poop. Anyone who has the same experience? Anong ginawa niyo po?
LAMIG
Totoo po bang hindi pwedeng uminom ng malamig or soft drinks kapag nagpapa breast feed dahil maiinom ni baby? FTM po, salamat sa sasagot.
LUNGAD
Pls help po. Lungad ng lungad ang baby ko, feeling ko talaga overfeed siya. May way po ba para ma-stop 'yun? Hindi rin kase siya pala dighay
BUTLIG
Hello po mga mommies, sana po may makasagot sa tanong ko. Ano po kaya 'yung natubo sa noo ng LO ko? Bungang araw po ba gawa ng init ng panahon? Ano po kayang pwedeng igamot diyan? Nakakaawa kase 'yung bata. Salamat po sa sasagot! God bless!
NEW BORN SCREENING
Mga momsh, sino po dito ang may baby na may HYPOTHYROIDISM as per result ng new born screening? Anong medications ang ginawa kay LO ninyo? Sa'kin kase iyon ang lumabas pero pinaulit ng hospital kase usually nagno-normalize naman daw 'yun pag naka-bf na si baby. Salamat po sa sasagot!
HEMORRHOIDS
Mga momsh, paano ninyo ginamot ang hemorrhoids ninyo ? sobrang hirap ng may ganito tapos cesarean pa, di ako maka-poop kahit gustong-gusto ko na
CESAREAN
Mga momsh, kakabiyak lang sa'kin March 3, 2020. Do you have any self care tips for cs moms like me? Ilang weeks bago maghilom ang sugat ninyo and may.iniinom ba kayong iba maliban sa antibiotic na reseta ng OB ninyo? Mga bawal kainin and such? Thank you sa sasagot!