#BLESSED

EDD: SEP.8 2020 DOB: SEP.11 2020 - JACE SAMUEL M. BIENDO - 3.1 - NORMAL DELIVERY Sep.10 7pm sumugod na ako sa Clinic pero kasi madaling araw pa lang masakit na tyan ko pero 2cm palang daw ako, Pero nong gabi na yon di na ako nakatulog maya't maya na yong hilab ng tyan ko, Sep.11 morning nagsampay sampay pa ako kasi si mister naglalaba kahit medyo humihilab na talaga ng matindi yong mapapabuntong hininga ka nalang sa sakit😭 at para rin nga bumababa pa lalo tyan ko, pero bandang mga 1pm hindi ko na talaga kinaya sabi ko mag papa i.e ulit kaya takbo ulit sa clinic, kaya hindi ako nagdala ng mga gamit pa namin, pero pag dating don pag i.e sakin 8cm na, hindi na ako pinauwi,nilagyan na ako agad ng dextrose,hindi na ako makalakad. Para wala ng minuto yong pagitan ng sakit, sabi ko masakit na masakit na talaga kaya dinala na ako sa delivery room, pero mataas pa daw si baby, ang liit ko pang babae at sabi nga ng midwife ko puro bata yong tyan ko.pinaglakad lakad pa ako ng 30mins, kailangan daw makatae ako para malaman nila kong tama pagkakaire ko, kaya dun ako naglakad lakad malapit sa cr para pag humilab na parang natatae upo lang daw ako sa bowl deretso para makaire ako maayos, sobrang hirap at sakit,sabi ko kay mister parang di ko na kaya,pero siya talaga nagpalakas ng loob ko na kaya ko, nandun siya sa DR hanggang sa mailabas ko si baby at bawat ire ko kasabay din siya umiire, 3:30 ako start maglakad 4 pinasok ulit ako sa DR , 4:20 baby's out, mahirap sobra pero nong nakita ko si baby sabi ko nalang "Salamat po". Nauna pang umiyak sakin si mister, kaya wala siyang nakuhang picture paglabas na paglabas ni baby. To all pregnant mommies have a safe delivery po. Kaya ko?Mas kaya niyo! ADJA! #Firstimemom #Thankyou Lord

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan