Emmanuel Janzeus R. Lee

EDD LMP: June 16, 2020 EDD UTZ: June 10, 2020 DOB: June 9, 2020 2:45am Height: 53cm Weight: 3.7Kg ECS Share ko lang yung journey ko momsh. June 7 ng gabi sobrang bigat na ng pakiramdam ko. June 8 -5am nagising ako para mag cr. Same sobrang bigat ng feeling ko. Then kumain ako ng pinya. Nakatulog na ako after. -11am nagising ako ulit kasi gusto kong magpoop. While nag CR nafeel ko maypumutok. Pagcheck ko mucus plug na. Dugo2x na yung lumabas sa pwerta. Ilang minutes after pumutok narin yung panubigan ko. Sobrang dami. Parang nakagripo. Ligo na ako after then kain. Punta na ng hospital -12:30pm Advice for Admission na. Pero pag IE sakin 1cm pa kapa nila. Huhu. Though wala pa naman akong na feel na sakit. Yung panubigan lang continuous parin ang flow. -1:30pm linipat na ako sa Delivery room. Attached yung monitor ng heartbeat ni baby. ? Wala paring pain. Pero natatakot ako kasi nag fefetal distress si baby huhu. Umaabot ng 180bpm heartbeat niya. Kaya inoxygen na ako para makahelp kay baby. Sabi ni doc within 11hrs after rapture dapat nakalabas na si baby kasi mauubos na yung water niya. So continue observe2x hanggang sa bumaba si baby. -7pm nag IE ulit. Sobrang worried ko na kasi 1cm parin kapa nila. Walang improvement then continue parin taas ng bpm ni baby pero nagnonormal naman minsan. -10pm IE ulit kaso still wala paring progress. Huhuhu. Sobrang takot ko na para kay baby. 1 hour nalang 11hours na. So pinareport na kay doc. Nakadecide narin ako na CS nalang if ever. Kesa ma pano pa si baby -11pm IE ulit 1 cm parin -12pm last na IE if 1cm parin for CS na ko. Yun nga 1cm parin pag IE kaya advice to CS na lalo na nagstart na ng greenish yung mucus ko. Sobrang sakit narin ng contraction ko. Lalo na pag gumagalaw si baby. Katakot pala ma CS. huhuhu ? Pero no choice tiis talaga para kay baby. June 9 -1:30am inject na sa spine for anesthesia. grabeh sakit. Nagshishiver na ako pero di naman lagnat. Then nung nagnumb na ako, start na ng operation. Throughout ng CS tulog na tulog lang ako. Sobrang pagod na kakalabor. Pero walang pangpatulog na inenject. Nagising lang ako tapos na. Wala nang mga doctor pero nadinig ko yung iyak ni baby paglabas di ko lang talaga ma open mata ko sa sobrang pagod. 2:45am -5am na ako nagising pero medjo numb pa katawan ko. Good thing dumating na si baby. Huhuhu ? Sobrang saya lang. Worth it lahat ng hirap pati gastos and sacrifices. Sobrang bigat pala ni baby and malaki. 4'11 lang ako. Naglatch agad si baby pero wala pang milk lumalabas. Binalik na si baby sa Nursery after for observation kasi sobrang stress niya then observe rin yung kidney niya. Pinapunta narin ako sa room. Thank God talaga ? Mga 9am nag report na si Pedia na stable na si baby. SOBRANG SAYA. Thank you sa APP nato and sa lahat ng mommies na andito. ??? Sorry sobrang haba.

Emmanuel Janzeus R. Lee
1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Congrats po.💚💚💚

5y trước

Thank you po 💙