❤️
EDD: January 2, 2020 DOB: December 12, 2019 Meet my Baby Vito Rheangelo. Ang dami namen pinagdaan ng baby ko. Andun un matinding morning sickness, pabalik balik na UTI, napabed rest pa ko for a month nun first trim ko. And worst, namatay un lola nya (mother ko) nun 7 months pa lang sya sa tummy ko. Sinabayan pa na namatay din un favorite dog namen sa bahay. ?? Sobrang stress yun nafeel ko, kahit pigilan ko, di ko maiwasan. Tao lang din naman ako. Pero look at where we are right now. Nailabas ko sya via scheduled CS. Footling breech kasi sya, di na sya umikot e nag 1cm na ko. Sabi ng OB ko, di dapat ako labor lalo kameng mahihirapan ni baby. Nun nasa labor room pa ko, nagfluctuate na din heartbeat ni baby, so minadali. Kahit di pa dumating un OB ko, un OB assistant nya un nagstart nun operation. Sobrang hirap sa akin kasi napakababa ng pain tolerance ko. Nanginginig na ko nun nilagyan ako ng anesthesia na sa sobrang groggy ko, sabi ko na lang sa anesthesiologist na ayoko na, nasusuka na ko. Hanggang sa sinedate nya ako, ramdam ko pa paglagay sa akin ng catheter ? Pero nun lumabas na sya at nilagay sa tabi ko, nawala na sa isip ko na lang tinatahi na ko at nun inalis sya para lagay sa nursery room, ang sa isip ko wag nyo ialis si baby sa akin. Sa ngayon, we're doing good. Mahirap kasi puyatan, masakit pa sugat ko. Di ko sya mahawakan ng tama kasi kumikirot sugat ko. Plus di ako marunong magbuhat din kay baby kasi only child ako. Wala kong naalagaan na baby. Pero pag nakikita ko un chubby cheeks nya, naiinlove ako. ? May times na umiiyak pa rin ako sa gabi, siguro eto na un post partum na sinasabi, namimiss ko kasi nanay ko, baka mas madali kung andito sya. Pero iniisip ko na lang na dapat mapalaki ko si baby ng maayos tulad ng pagpapalaki sa akin ng mother ko. Ayun lang po, share ko lang hehehe ?
Excited to meet my mini me...