MY QN LUQAS

EDD: February 14, 2020 DOB: February 7, 2020 3kg via NSD It was february 6 ng nagising ako ng madaling araw since parang natatae ako na naiihi pero I ignored it. Pagbangon ko may nafeel akong lumabas sa pwerta ko and when I checked it, blood na pala sya pero I can’t feel any pain parin. Naglakad lakad ako hanggang gabi, pagka ie sakin nahahawakan na daw ng doctor yung ulo niya pero hindi daw nya maappreciate ang cervix ko. 11pm na nung may nafi-feel na akong contractions and sobrang sakit na sya na napapapikit nalang ako. The next morning we went to the doctor and 2cm palang daw so naglakad lakad ulit ako. It was 3pm nung nagdecide na akong magpunta sa lying in since hindi ko na talaga kaya ang sakit. Pagdating namin dun, na-ie agad ako, 4cm na daw and according to the midwife, retro daw yung cervix ko kaya hirap silang kapain. Kinuhanan ako ng blood pressure and 140/100 ang result. Minonitor ako ng midwife since di daw nila pwedeng paanakin kung ganun kataas ang bp. After how many attempts, wala parin, hindi parin bumababa ang bp ko pero 8cm nako. So my husband and I decided na sa hospital nalang ako manganak since delikado yung lagay namin ni baby. Pagdating namin sa hospital inadmit agad ako and pinasok sa delivery room. Halos di nako makapagsalita sa sakit ng labor mga mommies. Pero nagdadasal nalang ako para samin ni baby. Pagpasok ko sa delivery room diko na mapigil umiri and umabot ng 150/100 bp ko pero di ako makaramdam ng hilo or anu man. Feb. 14 pa ang due date ko pero at exactly 8:20pm of Feb 7, 2020 lumabas si baby. Akala ko diko kakayanin. Dasal lang talaga ang sagot. Di nya kami pinabayaan ni baby. ♥️?? Everyone, meet my first born, Qn Luqas. ♥️

Câu hỏi phổ biến